Quantcast

Ika-8 diretsong panalo puntirya ng Barangay Ginebra

By


Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. Kia vs Alaska
6:45 p.m. Brgy. Ginebra vs San Miguel Beer
Team Standings: Barangay Ginebra (7-1); NLEX (7-2); Meralco (6-2); TNT KaTropa (5-3); Star (4-3); San Miguel Beer (4-3); Rain or Shine (4-3); Blackwater (4-5); Globalport (3-5); Alaska (2-6); Phoenix Petroleum (2-7); Kia Picanto (0-8)

IKAWALONG sunod na panalo ang tatangkain ngayon ng Barangay Ginebra Gin Kings sa pagsagupa sa San Miguel Beermen sa tampok na laro sa eliminasyon ng 2017 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Una munang magsasagupa ang patuloy na naghahangad sa unang panalo sa torneo na Kia Picanto at ang pilit binubuhay ang tsansang makaagaw ng silya sa playoffs na Alaska Aces sa alas-4:15 ng hapon bago ang salpukan ng Gin Kings at Beermen dakong alas-6:45 ng gabi.

Itataya ng Gin Kings ang itinalang pitong sunod na pagwawagi na nagbigay dito ng solong liderato sa pagsagupa sa Beermen na nanganganib ang kampanya para sa inaasam na ikalawang grand slam sa liga sa pananatili nito sa ikaanim na puwesto.

Samantala, dinaig ng Meralco Bolts ang Star Hotshots, 96-90, sa kanilang Petron Saturday Special Game na ginanap Sabado sa Sta. Rosa Multipurpose Coliseum sa Sta. Rosa, Laguna.

Gumawa si Allen Durham ng 29 puntos, 27 rebounds at 7 assists para pangunahan ang Bolts.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement