Coco wais sa pera kaya super yaman na | Bandera

Coco wais sa pera kaya super yaman na

Jobert Sucaldito |September 08,2017
facebook
share this

Coco wais sa pera kaya super yaman na

Jobert Sucaldito - September 08, 2017 - 12:10 AM

 

COCO MARTIN

NAKAKALOKA talaga ako – super-late na kung minsan ang mga reaksiyon ko sa mga bagay-bagay. Ha! Ha! Ha! Tulad nito, imagine, ilang taon na pala ang nakalipas nang i-feature ni Kris Aquino ang bahay ni Coco Martin sa kanyang morning show na itinuturing na super prime investment ng award-winning actor for himself and his family.

Habang iniinterbyu siya ni Kris (showing Kris of course in her usual tactless way), mababanaag mo sa pagkatao ni Coco na despite the very expensive and luxurious house that he has ay very humble pa rin siya. Yung ingat na ingat siyang baka isipin ng mga taong ipinagyayabang niya ang kanyang ari-arian.

Walang ganoon.

Kahit na sobrang mahal ng pagpagawa niya sa kanyang swimming pool with super bonggang bar and theater pa, hindi siya nagyabang. Halatang bunga ng hard work talaga.

Nakakatawa si Kris dahil nu’ng pinasok nila ang isang room na ipinagawa ni Coco para sa brother niyang may dalawang anak at asawa, hinimay-himay niya ang portions ng kuwarto – Coco showed him the kitchen, the sala, the bathroom, the bedroom with one kingsize bed – all in one room.

Tanong ni Kris, “Ilang kuwarto ba ang sa kanila?” Nang sabihin ni Coco na ‘yun lang, humirit si Kris ng,

“You mean, sama-sama silang natutulog sa isang bed?” or something to that effect. Sabi ni Coco, maliliit pa lang naman ang mga bata kaya sama-sama na sila sa isang kama.

Tuwing nakakakita si Kris ng muebles na parang mamahalin, parang manghang-mangha itong nagtatanong kung saan ‘yun binili ni Coco, kulang na lang ay sabihin niyang, “Afford mo na?” Yung ganoon. Ha! Ha! Ha! Knowing Kris. Kaloka!

What really amazed her ay yung way papuntang bar, kasi nga ang pinto ay salamin na may sensor, yung pag dumadaan ka ay automatic nang bubukas. “Parang mall, ha! Gusto ko ‘to!” ani Kris.

I felt so happy for Coco for this investment. You know naman kung gaano niya kamahal ang kanyang pamilya kaya talagang siniguro niyang mabigyan muna ang mga ito ng kaluwalhatian sa buhay. Inuna muna niyang mabigyan sila nang maayos na tahanan bago ang ibang mga bagay. Maniwala ba kayong he doesn’t even go to bars nowadays.

Kung siya lang, he’d rather stay home. Kasi nga naman, wala nang dahilan pa para maglakwatsa siya, kung inuman din lang, he has a beautiful bar at kung pelikula naman, he has an 8-seater theater where he can invite friends to watch. That’s my boy! Kaya nakaka-proud talaga si Coco. Kahit mayaman na hindi mo maramdaman ang yabang, di ba Kris?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya sa iyo Coco, I wish you more luck. Sana lahat ng mga artista ay ganyan mag-save, hindi yung lustay lang nang lustay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending