'Fangirl Fanboy' nina Ella at Julian bentang-benta sa mga millenials | Bandera

‘Fangirl Fanboy’ nina Ella at Julian bentang-benta sa mga millenials

Jun Nardo |September 06,2017
facebook
share this

‘Fangirl Fanboy’ nina Ella at Julian bentang-benta sa mga millenials

Jun Nardo - September 06, 2017 - 12:01 AM

UMAAPAW ang kilig na hatid ng loveteam nina Julian Trono at Ella Cruz nang magkaroon ng premiere ang movie nilang “Fangirl Fanboy.”

Naihatid ng director na si Barry Gonzales ang isang millennial love story sa movie at kuhang-kuha niya ang kiliti ng millennials na umiidolo sa dalawa. Hindi rin pangkaraniwan ang direksyon niya pati na ang kuwento nito.

Bentang-benta sa fans ng dalawa na nanood ang maliliit nilang lambingan, tinginan na may dalang kilig. Nakabibingi ang sigawan nang hindi sinasadyang maglapat ang kanilang labi sa gitang bahagi ng movie.

Pero nang tuluyang nang mahulog ang loob nila sa isa’t isa sa huling bahagi ng movie, hayan at non-stop na talaga ang sigawan at palakpakan ng fans nilang nanood to the point na hindi na marinig ang sinasabi nina Julian at Ella, huh!

Maganda ang pagkakagawa sa pelikula at magagaling ang mga artista. Kaya kapag pumatok ito ngayong araw eh, ingat-ingat na malalaking nating artista dahil magandang kuwento at pelikula na talaga ang gusto ng manonood.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending