Quantcast

May asawa na ang karelasyon (2)

By

Sulat mula kay Judith ng Binakayan, Kawit, Cavite

Problema:
1. May karelasyon ako sa ngayon na nakilala ko sa social media, nagkita at nag-date kami. Noong araw ding iyon nagka-inloveban na agad kami kaya nauwi sa pagtatalik ang aming pagde-date. Simula noon naging kami na at dumalas na ng dumalas ang aming pagde-date, hanggang isang araw ay may pinagtapat siya sa akin may asawa na pala siya. Nagalit ako sa kanya, sinampal ko siya at pinagsabihin ng masasa-kit na salita. Hindi naman siya nagalit at humingi siya ng tawad. Paglipas ng ilang araw, na miss ko siya kaya tinext ko siya at mu-ling nabuo ang aming relasyon. Sa ngayon magulo pa rin ang isip ko at kapag nag-iisa ko hindi ko maiwasang hindi itanong sa aking sarili kung bakit nagkagusto at nagmahal ako ng isang lalaking may asawa na?
2. Ang gusto ko lang malaman ay kung talaga bang siya na ang nakatakda na makasama ko habang buhay kahit siya ay may asawa na, sabi nya kasi sa akin noong huling usap namin ay ihahanap niya daw ako ng apartment para lagi na kaming magkasama. October 29, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Judith ng Cavite
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ang nagsasabing kung hindi naman isang Capricorn o kaya’y Cancer ang lalaking karelasyon mo sa ngayon na may asawa na, siguradong magkaka-break din kayo upang sa ikalawang pakikipagrelasyon sa isang lalaking may zodiac sign na Cancer habang buhay ka nang liligaya.
Numerology:
Ang birth date mo namang 29 ay nagsasabing kung hindi naman isinilang sa petsang 7, 16, o kaya’y 25, ang kasalukuyan mong karelasyon, kusa din siyang mawawala sa buhay mo, upang palitan ng isang lalaking binata sa taong 2018 o kaya’y 2019.
Luscher Color Test:
Upang makaiwas sa illicit love affairs na nararanasan mo sa kasalukuyan, iwasan mong magsuot ng kulay na red sa kumbinasyong black. Sa halip magsuot kang lagi ng mapalad mong kulay na berde.
Huling payo at paalala:
Judith tama ka nakatakda na ngang magkaroon ka ng karelasyon sa may asawa na, pero hindi pa naman doon natatapos ang istorya. Dahil sa taong 2018 o kaya’y 2019, huhupa din ang ugnayan ninyo sa isat-isa hanggang sa tuluyang maglaho. Kasabay nito, darating sa buhay mo ang isang lalaking binata, na may initial na R. J. ang lalaking ito ang nakatakda mong makasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay ng pamilya.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement