Iza, Bea pinayagan gawin ang remake ng ‘T-Bird At Ako’ nina Ate Guy at Vilma

By Julie Bonifacio September 03,2017
share this

Iza, Bea pinayagan gawin ang remake ng ‘T-Bird At Ako’ nina Ate Guy at Vilma

By Julie Bonifacio September 03,2017
share this

PURING-PURI nina Ian Veneracion, Iza Calzado at Bea Alonzo ang isa’t isa sa ginanap na finale presscon ng A Love To Last na napapanood sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Sa case nina Bea at Iza, mukha talagang enjoy sila working together sa set ng ALTL kahit na sandamakmak ang mga “tarayan scenes” nila sa top-rating teleserye ng Dos.

Kwento ni Iza nu’ng una pa lang niyang nakita ang pictures ni Bea sa magazines, kita agad niya na may lalim ang Kapamilya star, “Then, I really, really get to know her better because of this soap and I respect her even more now. And I said this earlier when we were being interviewed, Bea is a superstar but she never made me feel like she was one. No diva attitude. Minsan nga parang, ‘mag-maldita ka naman!’”

Siyempre, natuwa si Bea sa mga sinabi ni Iza. Feeling nga raw niya lumalaki na ang ulo niya. Hindi naman daw nagbago ang pananaw nina Iza at Bea tungkol sa kasal because of their roles as Grace and Andeng sa ATLT.

“I’ve always believed in marriage. Dapat lang mas maging careful ka. Kasi I think ang nangyari kay Anton (Ian) at kay Grace (Iza), hindi masyadong nag-communicate. Hanggang sa isang araw naglaho na lang from her end kung ano siya, ‘yung wala siyang maramdaman. So, she needed to feel validated in other areas. Actually, kaya naman ako baligtad in real life, kaya ako medyo extend nang extend, I wanted to really do everything para hindi ako maging Grace,” ani Iza.

Si Bea naman, malayo pa raw sa isip niya ang pagpapakasal kahit maugong na ang usap-usapan na sila na ni Gerald Anderson. Ang dami pa raw niyang gustong gawin sa buhay niya at mga pangarap na gustong abutin bago siya pumunta sa konsepto nang pagpapakasal.

Habang pinagmamasdan namin sina Bea at Iza during the interview, we realized that these two beautiful actresses ay kering-keri na gumawa ng movie, naisip namin pwede sila sa remake ng “T-Bird At Ako” nina Nora Aunor at Vilma Santos.

“Ay, game ako diyan! I love it,” mabilis na reaksyon ni Iza.

Game rin daw si Iza kahit may ekesena sila ni Bea that needs physical contact. Never pa raw kasi niyang nagawa ‘yun sa isang full-length lesbian movie. She did once sa indie movie na pinagbidahan ni Eugene Domingo pero maigis lang daw ‘yun at suggestive ang interpretation.

Okey lang din daw kay Iza kung may pagka-butch ang lesbian role na gagawin niya if ever. Pero mas gusto niya ‘yung role na lesbian na “lipstick” type.

Si Bea naman on her part showed an interest sa ganitong tipo ng concept. Some of Bea’s critics are saying na it’s about time na kumawala na raw siya sa nakakakahong roles na ginagawa niya ngayon. Ganern?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending