Jake Zyrus pinuri ni prop, malalim ang hugot sa akting | Bandera

Jake Zyrus pinuri ni prop, malalim ang hugot sa akting

Cristy Fermin |September 02,2017
facebook
share this

Jake Zyrus pinuri ni prop, malalim ang hugot sa akting

Cristy Fermin - September 02, 2017 - 12:10 AM

JAKE ZYRUS

SA huling bahagi ng Maalaala Mo Kaya ay kumakanta si Jake Zyrus na hindi na bumibirit. Patikim niya ‘yun sa kanyang madalas sabihing pagboboses-lalaki na niya ngayon. Mababa na ang kanyang tono, wala nang anino ni Charice Pempengco, ang transman nang si Jake Zyrus ang kumakanta.

Isa ‘yun sa mga ipinabago ni Charice sa tahasan na niyang pagbabago ng itsura, boses-lalaki na siya, ‘yun na raw mismo ang masasaksihan ng ating mga kababayan sa mga darating niyang concert.

Napansin ng aming mga kaibigan, magaling daw palang umarte si Jake Zyrus, hindi lang daw pala siya mahusay na singer. May lalim ang kanyang pag-arte lalo na sa mga eksenang kinakawawa siya ng kanyang ina.

Hindi na nakapagtataka ‘yun dahil nang mapasama si Charice sa sikat na programang Glee ay sumailalim siya sa workshop.

Sabi pa ni prop, “Gusto ko ‘yung teaser, ‘yung parang nakahubad siya, sobrang ramdam na ramdam ko ang nakatagong galit sa puso ni Jake Zyrus. That single frame hooked me, kaya sinubaybayan ko ang istorya niya sa MMK.”

Mismo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending