Bea kay Gerald: Maaga pa para sabihin kong siya ang ‘the one’! | Bandera

Bea kay Gerald: Maaga pa para sabihin kong siya ang ‘the one’!

Ervin Santiago |August 31,2017
facebook
share this

Bea kay Gerald: Maaga pa para sabihin kong siya ang ‘the one’!

Ervin Santiago - August 31, 2017 - 12:01 AM

KAHIT hindi na diretsong sagutin ni Bea Alonzo ang tanong kung boyfriend na niya si Gerald Anderson, kitang-kita sa itsura nito ang pagiging super in love ngayon.

Sa nakaraang thanksgiving presscon ng serye niyang A Love To Last, inamin ng aktres na hindi niya alam kung ano ang isasagot sa tanong kung ano na ang label ng relasyon nila ni Gerald.

“Sa totoo lang we are really enjoying each other’s company right now. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin because people might think echosera ako no, but what should I say? I wish I could say something. Basta, we are living in the moment,” ani Bea.

Gaano kaespesyal sa kanya ang aktor? “He’s very special. He inspires me every day. Ang ganda ng mga naibahagi niya sa akin.”

“Napakaaga pong sabihin na siya na ‘yung the one. Wala pa po kami doon. Parang ang dami ko pa ring gustong gawin sa buhay ko. Madami pa akong pangarap na gusto kong abutin bago ako pumunta doon,” sey pa ni Bea na ang tinutukoy ay ang kasal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending