Paulo nakiusap: Bigyan natin ng normal na buhay ang anak ko, wag na nating idamay! | Bandera

Paulo nakiusap: Bigyan natin ng normal na buhay ang anak ko, wag na nating idamay!

Ervin Santiago |August 31,2017
facebook
share this

Paulo nakiusap: Bigyan natin ng normal na buhay ang anak ko, wag na nating idamay!

Ervin Santiago - August 31, 2017 - 12:10 AM

Ejay Falcon, Ritz Azul at Paulo Avelino

NAKIUSAP si Paulo Avelino na kung maaari ay huwag nang ibandera sa publiko ang buhay ng kanyang anak kay LJ Reyes na si Aki.

Sana raw ay hayaan na lang na maging pribado ang pamumuhay ng bata dahil wala pa naman itong kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa kanyang paligid.

Nakausap ng ilang miyembro ng entertainment media ang Kapamilya actor sa blogcon ng bago niyang teleserye, ang The Promise Of Forever na malapit nang mapanood sa ABS-CBN.

Aniya, kung may kailangang ayusin sa pagitan nila ni LJ, ibalato na lang daw sa kanila ‘yun para sa bata, “Actually kasi ngayon talaga hindi ko alam. Kasi, pangit naman pinag-uusapan yung ginagawa natin sa publiko, ‘yung buhay ng inosenteng bata na walang kinalaman sa mga nangyayari sa trabaho natin.

“Hayaan na natin bigyan na normal na buhay yung anak ko, huwag na nating idamay o isangkot sa mga…kasi di ba, kukunin n’yo ‘yung panig ng isa, naghahanap kayo ng pwedeng masabi na mai-irritate yung isa, pare-pareho naman kaming talo,” ang medyo may hinanakit na pahayag ni Paulo.

Kung matatandaan, nagpainterbyu kamakailan si LJ at sinabing hindi raw nabibisita o nakakasama ni Paulo ang kanilang anak. Ang tumatayong ama ngayon ni Aki ay ang boyfriend ni LJ na si Paolo Contis. Pero sey ni LJ, hindi naman inaagawan ni Paolo ng posisyon si Paulo bilang tatay.

Sey pa ni Paulo, hindi naman siya naiinggit kung mas kinikilalang tatay ni Aki si Paolo, “Basta gusto ko masaya yung bata. May tamang oras naman na kasama ko yung anak ko, hindi ko rin naman masabi kung ano yung nangyayari sa kanila.

Dugtong pa niya, “Alam naman ng bata na ako yung tatay niya. At the end of the day, gusto ko masaya yung bata.”

May kanya-kanya nang lovelife ngayon sina LJ at Paulo. Kung happy na ang Kapuso actress sa piling ni Paolo Contis, happy din si Paulo sa kanyang model-girlfriend na si Jodie Elizabeth Tarasek. Sabi nga ng binata, isang malaking “blessing” ang relasyon nila ni Jodie.

Samantala, isang blessing din para kay Paulo ang nalalapit nang pagpapalabas ng serye nilang The Promise Of Forever kung saan makakasama niya sina Ritz Azul at Ejay Falcon at kinunan pa sa iba’t ibang lugar sa Eastern Europe.

Isa na namang big challege para kay Paulo ang role niya sa seryeng ito bilang si Nicholas na tinamaan ng kidlat na naging dahilan ng kanyang pagiging imortal. Sa kasalukuyang panahon ay nabubuhay siya sa edad na 145 ngunit batambata pa rin ang itsura hanggang sa ma-in love siya sa karakter ni Ritz na si Sophia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang The Promise Of Forever ay sa direksyon nina Darnel Villaflor at Hannah Espia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending