Gerald sa relasyon nila ni Bea: 'What you see is what you get!' | Bandera

Gerald sa relasyon nila ni Bea: ‘What you see is what you get!’

Ervin Santiago |August 29,2017
facebook
share this

Gerald sa relasyon nila ni Bea: ‘What you see is what you get!’

Ervin Santiago - August 29, 2017 - 12:01 AM


TIKOM pa rin ang bibig ni Gerald Anderson tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Bea Alonzo.

Talagang ayaw niyang mag-share ng ilang detalye about his rumored romance with Bea.

Ang sabi ni Gerald nang makachika siya ng ilang entertainment reporter sa presscon ng CosmoCee kung saan nag-renew uli siya ng kontrata bilang celebrity endorser nito, masayang-masaya sila ni Bea ngayon.

“What you see is what you get. Alam na namin kung paano tumatakbo ang industriya natin. Nakita n’yo naman, masaya lang ako sa opportunities at sa blessings na ibinibigay sa atin. Iyon ang focus ko,” pahayag ng binata.

Isa sa bonding moments nina Gerald at Bea ay ang pagwo-workout, masipag na rin daw ngayon tumakbo ang aktres, “Hindi ako sure kung ako ‘yung dahilan. Ang sinasabi ko lang, masaya lang ako kasi nakakahawa ‘yung ganoong lifestyle na mayroon ako. Nakakatuwa lang.”

In fairness, mukhang tama naman ang ginagawang pagkontrol nina Gerald at Bea sa pagse-share sa publiko kung anuman ang meron sila ngayon para iwas tsismis at intriga. At mukhang hindi naman selosa si Bea kaya walang intriga o tsismis sa kanila ni Kim Chiu na katambal ngayon ng kanyang boyfriend sa daytime series ng ABS-CBN na Ikaw Lang Ang Iibigin.

At naniniwala kami na parehong pinaiiral ngayon nina Gerald at Kim ang kasabihang, “trabaho lang, walang personalan”.

Samantala, patuloy na pinatutunayan nina Gabriel (Gerald) at Bianca (Kim) ang kanilang matinding pagmamahal sa isa’t isa sa kabila ng matinding pagsubok sa kanilang karera at personal na buhay sa Ikaw Lang Ang Iibigin.

Inumpisahan na ng binata ang pag-iipon para sa kanilang kasal ni Bianca kahit pa hindi na sila nakasali sa top triathletes ng bansa.

Ito’y matapos ngang talikuran ni Bianca ang pagiging endorser ng Tiger Shark nang papiliin ito ni Carlos (Jake Cuenca), patunay na mas matimbang sa dalaga ang pag-ibig kesa sa pera. Patuloy din ang pagpupursige ni Bianca dahil naghanap siya ng marangal na trabaho upang may maipangtustos sa pamilya.

Nananatiling sandigan nina Gabriel at Bianca ang isa’t isa kahit na patuloy pa rin silang hinahabol ng problema ngayong ayaw ipagkaloob kay Gabriel ang perang ipinangako ni Victoria (Ayen Laurel) sa kanyang last will and testament. Hindi rin titigilan ni Isabel (Coleen Garcia) si Bianca matapos isiwalat ng huli ang ilegal na transaction nito na naging dahilan ng pagkakasuspinde nito sa trabaho.

Makayanan kaya nina Gabriel at Bianca na malampasan ang lahat ng pagsubok? Matupad pa kaya nila ang kanilang mga pangarap nang magkasama?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang seryeng magpapatunay na hindi sumusuko ang puso sa pangarap at pag-ibig, ang Ikaw Lang Ang Iibigin, sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending