Hamon ng fans ni Daniel sa ABS-CBN: Wag munang bigyan ng trabaho si Paul Salas! | Bandera

Hamon ng fans ni Daniel sa ABS-CBN: Wag munang bigyan ng trabaho si Paul Salas!

Ambet Nabus |August 27,2017
facebook
share this

Hamon ng fans ni Daniel sa ABS-CBN: Wag munang bigyan ng trabaho si Paul Salas!

Ambet Nabus - August 27, 2017 - 12:05 AM

DANIEL PADILLA AT PAUL SALAS

GRABE talaga ang pagkuyog sa social media kay Paul Salas matapos niyang asarin si Daniel Padilla dahil sa pisikalang nangyari sa nakaraang Star Magic All-Star Basketball game.

Kahit humingi na nga ng apology ang batang aktor, ayaw pa rin siyang tantanan ng mga netizen na kampi kay Daniel, binansagan pa nga siyang plastic, insincere at kung anu-ano pang masasakit na salita.

Grabe rin ang pang-aalipustang natanggap ni Paul lalo na sa mga fans nina Daniel at Kathryn Bernardo.

Sa katunayan, may mga pagkilos na nga raw na ginagawa ang mga maka-Daniel upang i-pressure ang ilang executives ng ABS-CBN na iburo o huwag na munang bigyan ng project si Paul lalo pa’t inaakusahan pa nila itong nakikisawsaw lang sa kasikatan ng anak ni Karla Estrada.

Kawawa rin naman si Paul kung pakikinggan ng management ang demand ng mga fans ni Daniel. Parang hindi naman makatarungan na mawalan siya ng trabaho nang dahil lang sa pagbibigay niya ng kanyang saloobin tungkol sa naganap na balyahan sa basketball game ng mga Star Magic artists.

But just the same, hindi mo rin naman maiaalis sa mga tagasuporta ni Daniel na maimbiyerna kay Paul dahil nga magkaibigan ang dalawa sa tunay na buhay. Hindi nila in-expect na kay Paul pa manggagaling ang hindi kagandahang komento laban kay Daniel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending