Denise Laurel ipatatanggal na ang mga bukol sa dibdib | Bandera

Denise Laurel ipatatanggal na ang mga bukol sa dibdib

Ervin Santiago |August 26,2017
facebook
share this

Denise Laurel ipatatanggal na ang mga bukol sa dibdib

Ervin Santiago - August 26, 2017 - 12:15 AM

JC DE VERA, SHAINA MAGDAYAO, DENISE LAUREL AT CARLO AQUINO

IPAPATANGGAL na ng Kapamilya actress na si Denise Laurel ang bukol sa kanyang dibdib ngayong patapos na ang kanilang afternoon drama series na The Better Half sa ABS-CBN.

Sa panayam kay Denise sa ginanap na farewell/thanksgiving presscon ng The Beter Half kamakailan sinabi nitong sasailalim siya sa isang operasyon para tanggalin ang cyst sa kanyang dibdib.

“Now that we have a definite date (pagtatapos ng TBH), it will be easier for me. After I rest for like a week, or maybe after the Star Magic Ball, they’re just gonna take out the lump. It’s a surgery, they are just going to take out the cyst,” pahayag ni Denise na umaariba sa pagiging kontrabida sa serye nila nina Shaina Magdayao, JC de Vera at Carlo Aquino.

Benign naman ang bukol, pero mas gusto ni Denise na ipatanggal na ito, “Of course at first it was alarming to them because I had a lot. I have in my lymph nodes, my breast, and my ovaries.”

“They say that sleep is the number one thing that you should do, but my profession requires me to not sleep. So you are torn, you want to do what you love and you are blessed to get paid to do what you love. But then your body…I’ve been puyat for 21, going 22 years this September,” chika pa ng aktres.

Speaking of The Better Half, tuloy pa rin ang laro ng buhay at pag-ibig para kina Camille (Shaina), Marco (Carlo), Rafael (JC) at Bianca (Denise). Hanggang saan ang kaya nilang itaya upang maipaglaban ang kanilang minamahal hanggang sa huli.

Kaabang-abang ang huling dalawang linggo ng TBH dahil mas marami pang eksena ang gugulat at mga hindi inaasahang pasabog na magpapakaba sa lahat. Kahit ang mga bituin ng serye ay lubos ang pagkasabik sa ihahain nilang pagtatapos sa mga tagasubaybay.

“Kahit ako hindi makapaniwala noong nabasa ko yung script. Matindi ang kabog ng dibdib ko. Sigurado ako na magugulat ang mga viewers sa ending namin,” sabi ni Shaina.

“Kung sa tingin niyo matindi na ang kasamaan ni Bianca, mas magiging malala pa siya. Marami pa siyang pasabog na sure akong mababaliw ang lahat,” pabitin namang chika ni Denise tungkol sa kanyang karakter.

“Makikita n’yo kung hanggang saan pa ang kayang isakripisyo ni Marco para kay Camille. Siguradong mas mamahalin niyo pa siya,” sey naman ni Carlo.

Ayon naman kay JC, “Dapat niyong abangan kung sino ba talaga ang mananalo, Team Sunrise o Team Sunset? ‘Yan ang dapat nilang tutukan.”

Nangunguna pa rin sa national TV ratings ang TBH. Nagkamit ang serye ng all-time high national TV rating na 18%, ayon sa datos ng Kantar Media. Tinututukan din ito maging ng netizens sa pagiging trending topic nito online at sa pag-ani ng libo-libong tweets sa Twitter.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutukan ang last two weeks ng The Better Half after Pusong Ligaw sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending