‘Boy’ may gusto kay ma’am

By Beth Viaje August 23,2017
share this

‘Boy’ may gusto kay ma’am

By Beth Viaje August 23,2017
share this

DEAR ma’am,

ISA po akong boy sa isang tindahan dito sa San Andres Bukid at may gusto po ako sa amo kong babae.

Ano po ang gagawin ko, pwede ba magmahal ang tulad ko sa gaya ng amo ko na may kaya po sa buhay?

Please po, pakisagot ang tanong ko at naguguluhan ako talaga.

Ako nga po pala sa RHBA na taga-San Andres Bukid.

Hello RHBA ng San Andres Bukid.

Yung tanong mo na pwede bang magmahal ang gaya mo? Aba’y walang bawal, pwede naman. Walang makakapigil nun, e.

Kung aasa ka ba na mamahalin ka rin niya, ‘yun ang tanong na mahirap masagot, unless maglalakas ka ng loob na liligawan siya.

Kaya kung manliligaw ka, humanda ka sa mga posibilidad: Pwedeng sagutin ka niya o pwede rin namang mabasted ka at masisante pa. Timbangin mo nang husto ang mga bagay-bagay, pero ang tangi kong maipapayo sa iyo ay pantay ang lahat pagdating sa pag-ibig.

– Ateng Beth

***

Ateng Beth,

Anong gagawin ko sa best friend ko? Di ko na mapigil ang sarili kong mahalin siya more than just a friend. Sa bawat oras at araw naming pagkikita lalo lang siyang napapamahal sa akin.

Ang kaso may BF siya. Ako nga po pala si Arianne ng Paranaque. Yes, ateng Beth, lesbian po ako. Pero lately ko lang na-discover sa sarili ko. Anong gagawin ko. Salamat po.

(Ang sagot sa Biyernes)

May problema ka ba sa puso, sa pamilya, trabaho o pananalapi? Aba’y i-text na iyan sa 09989558253 at may sey diyan si Ateng!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending