P9M nasungkit sa Biliran | Bandera

P9M nasungkit sa Biliran

Leifbilly Begas |August 22,2017
facebook
share this

P9M nasungkit sa Biliran

Leifbilly Begas - August 22, 2017 - 01:55 PM
Isang mananaya sa Biliran ang nanalo ng P9 milyon jackpot prize ng Mega Lotto 6/45.     Ayon kay Conrado Zabella, Assistant General Manager for Gaming Sector ng Philippine Charity Sweepstakes Office, isa lang ang tumaya sa winning number combination na 10-01-35-28-05-22.     Ang nanalo ay tumaya sa bayan ng Naval. Nagkakahalaga ng P20 ang kanyang itinaya.     Umabot sa P13.7 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola.     Nanalo naman ng tig-P26,350 ang 26 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P370 ang tinamaan ng 1,478 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 21,634 mananaya na nakatatlong numero.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending