James Yap luray-luray na naman sa mga pasabog ni Kris | Bandera

James Yap luray-luray na naman sa mga pasabog ni Kris

Cristy Fermin |August 22,2017
facebook
share this

James Yap luray-luray na naman sa mga pasabog ni Kris

Cristy Fermin - August 22, 2017 - 12:10 AM

KRIS AQUINO AT JAMES YAP

SOLONG-SOLO ngayon ni Kris Aquino ang entablado ng kontrobersiya. Dahil hindi naman siya busy ngayon ay nasasagot ni Kris ang lahat ng isyung lumalabas tungkol sa kanya.

Pagkatapos ng kolumnistang si Ricky Lo ay ang ama naman ng kanyang anak na si Bimby ang isinunod niyang talakan, luray-luray si James Yap sa napakahabang sagot ni Kris sa ilang linya lang na sinabi ng basketbolista sa isang biglaang panayam, nagdetalye ang TV host tungkol sa mga pagkukulang ng ama ng kanyang anak.

Aktibo ang mga tagasuporta ni Kris sa pagbira kay James sa social media. At kung kilala nga si James ng kanyang mga kapwa manlalaro ay minsan lang nitong tatangkaing dumepensa pero pagkatapos nu’n ay mananahimik na lang ang basketball star.

Kung may mga nagtatanggol kay Kris ay maraming netizens din ang nagbibigay ng suporta kay James. Komento ng mga ito ay sa usapin ng pananalapi na naman babagsak ang kanilang hidwaan.

Na nangyari nga. Sa halip na pumokus ang buwelta ni Kris sa sinabi ni James na walong buwan na nitong hindi nakikita ang kanyang anak ay sa pagiging iresponsableng ama nito tumutok ang sagot ng TV host.

Walang laban si James Yap kay Kris Aquino sa labanan ng pagsasalita. Mayamang-mayaman si Kris sa ganu’n, iiwan nang milya-milya ng TV host ang ama ng kanyang anak kung giyera ng salitaan ang mangyayari, ‘yun ang linya talaga ni Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending