Bagong bahay at kotse ni Onyok bayad na; may tampo kay Awra? | Bandera

Bagong bahay at kotse ni Onyok bayad na; may tampo kay Awra?

Julie Bonifacio |August 22,2017
facebook
share this

Bagong bahay at kotse ni Onyok bayad na; may tampo kay Awra?

Julie Bonifacio - August 22, 2017 - 12:05 AM

MACMAC (MCNEAL BRIGUERA) AT ONYOK (SIMON PINEDA)

NILUNOK na lang ng ina ng child star na si Simeon “Onyok” Pineda na si Mary Ann Nulos ang lahat ng batikos at intrigang lumabas pagkatapos mawala ng anak sa Ang Probinsyano ng ABS-CBN. Si Mommy Mary Ann ang sinisisi ng iba kung kaya nawala raw si Onyok sa serye ni Coco Martin.

“Oo, ako nga raw, e. Nilunok ko na lang lahat. Gusto ko kasi mag-focus muna siya sa pag-aaral. Kasi matalino talaga si Simeon. ‘Yung ano po…sobrang laking tulong nang pag-arte niya sa show,” pahayag ni Mommy Mary Ann nu’ng makausap namin sa pocket presscon sa renewal ng contract ni Onyok para sa Hammerhead Kids.

Nag-decide sila na medyo magpahinga muna si Onyok dahil regular na pumapasok sa eskwela ang bata. Nu’ng nasa teleserye pa raw sila ni Coco under home study program lang ang bagets.

Inamin naman ni Mommy Mary Ann na minsan ay nagtatanong siya sa staff kung ano oras sila matatapos sa taping.

“Minsan nagtatanong po ako kung anong oras na ba, ‘Pack-up na po ba?’ Ganu’n lang naman po. Si Coco na rin po, di ba, ang nagpaliwanag na, ‘yun nga, school muna siya,” lahad niya.

Kahit alam niya na malaking kawalan sa pinansyal na aspeto ng pamilya nila ang teleserye, bilang ina ay mas priority niya ang edukasyon ng kanyang anak.

“Dahil sa show, nagkaroon siya ng commercials. Dahil sa Probinsyano, kinuha siya ng HammerHead Kids at iba pa pong endorsements. Nagkaroon kami ng bahay na fully paid na, ng sasakyan. Nanghihinayang din po ako, lalo na’t ang ganda ng tandem nila ni Coco.

“Kaya lang nasa isip ko rin talaga ang pag-aaral ng bata, yung kinabukasan niya. Siguro pag walang pasok, puwede naman siyang mag-guest, sabi din po nila,” esplika pa ng mader ni Onyok.

Makikita at makakasama pa rin daw ni Onyok ang kanyang Kuya Coco sa movie na ginagawa nila para sa Metro Manila Film Festival 2017.

Maituturing naman nina Mommy Mary Ann na advance birthday gift para sa anak niya ang pagpirma ulit nila ng kontrata bilang official endorser ng Hammerhead Kids. Malaki pa rin ang tiwala nang may-ari ng Hammerhead na si Mr. Mario Ong kay Onyok kahit hindi na siya napapanood sa ABS-CBN gabi-gabi.

Magdiriwang naman si Onyok ng kanyang 7th birthday sa October. Ngayon pa lang, may request na si Onyok na gusto niyang mag-celebrate sa KidZania na nasa City of Dreams sa Pasay City.

Number one na iimbitahan daw ni Onyok ang kanyang Kuya Coco. Then, ang kanyang Tita Susan Roces habang tikom naman ang bibig ni Onyok when someone mentioned the name of Awra Briguela.

Ikinuwento ni Onyok ang ilang insidente nang “pagtatampo” niya kay Awra. Pero sabi naman ni Mommy Mary Ann, away-bata lang daw ‘yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Muling sumigla si Onyok nu’ng tanungin siya ni Mommy kung iimbitahan ba niya ang child star din na si Xia Vigor. Pangiti-ngiti si Onyok every time mababanggit sa usapan si Xia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending