Netizen kinuyog ng KathNiel fans matapos ireklamo ng 'pambabastos' si Daniel | Bandera

Netizen kinuyog ng KathNiel fans matapos ireklamo ng ‘pambabastos’ si Daniel

Alex Brosas |August 21,2017
facebook
share this

Netizen kinuyog ng KathNiel fans matapos ireklamo ng ‘pambabastos’ si Daniel

Alex Brosas - August 21, 2017 - 12:01 AM

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

KINUYOG ng KathNiel fans ang isang tagahanga raw ni Daniel Padilla na si Chichay Reyes who felt na binastos siya ni Daniel.

Sinigawan daw kasi siya ng “Hoy, malalaglag kami” dahil gusto niyang magpa-picture sa star ng La Luna Sangre habang pababa ng hagdan after umattend ng opening ng bar nila nina James Yap at Vice Ganda sa Greenhills.

Sa tingin namin, mali rin si Chichay ng timing dahil pababa na ng hagdan si Daniel at Karthryn Bernardo. Inaalalayan nga niya si Kath habang pababa.

Ayun, ipinagtanggol si Daniel ng KathNiel fans as they posted the video which showed Daniel and Kathryn habang pababa ng hagdan.

“Klarong klaro sa video na yan na di ka sinigawan diba? Di ka rin sinabihan ng HOY, klarong klaro na kalma lang yun at ang sinabi lang ay ‘Ma’am malalaglag kami’ yun lang yun. Bat may pa sobra ka ate? Over exaggerated mo naman.

“Sabihin mo nalang ng hate mo talaga si Daniel di yung gumagawa ka ng issue. Think before you post ate. Social Media to maraming makakakita di natin maiiwasan na maging one sided yung ibang tao dahil sa yong post lang nakita. Dapat mag ingat ka sa mga pinopost mo sinisiraan mo lang si Daniel eh.

“Trigerred mo si ako! Please yung iba naman diyan wag kunsitihin yung kaibigan niyo kilala niyo nga siya pero di niyo alam nagsisinungaling pala.”

“Die hard fan ka pala eh. Edi dapat Ikaw yung unang makaka intindi na malalaglag sila. Sana nga dapat sinabi mo nalang sa crowd na ‘Hoy! Mag give way ka-yooooo!’ ayan may HOY na talaga. Hindi ka naman siguro bingi? Kasi pang 20x ko nang nireplay wala talaga eh.”

Incidentally, marami ang kinilig kina Daniel at Kathryn sa isang eksena sa La Luna Sangre na magkayakap silang natutulog.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending