Coco Martin naging instant 'ninong' ng mga action stars | Bandera

Coco Martin naging instant ‘ninong’ ng mga action stars

Cristy Fermin |August 20,2017
facebook
share this

Coco Martin naging instant ‘ninong’ ng mga action stars

Cristy Fermin - August 20, 2017 - 12:10 AM

‘“SINO ito?” tanong ng isang kaibigan namin habang hawak-hawak nito ang isang retrato ng magkakaibigang lalaki. Itinuro nito ang isang may kapayatang lalaking kasama sa grupo.

‘Tinitigan naming mabuti ang itsura ng payat na lalaki, meron na kaming naiisip na sagot kung sino ‘yun, pero nagdadalawang-isip pa kami.

‘“Sirit na? Si Coco Martin ‘yan nu’ng hindi pa siya nag-aartista. Kuha ‘yan nu’ng nagtrabaho siya sa Canada. Mga kasamahan niyang Pinoy ang mga katabi niya,” sabi ng aming kausap.

‘Naku, payat na payat pa si Coco, pero angat na ang kanyang kakisigan, napakanipis pa ng kanyang katawan nu’n na ibang-iba na ang porma ngayon, maskulado na siya.

‘At napakalayo na ng nararating ng aktor na bumibida sa Ang Probinsyano, sunud-sunod na parangal na ang kanyang tinatanggap, isa na si Coco ngayon sa mga nirerespetong personalidad ng lokal na aliwan.

‘Hindi kasi bumitiw si Coco Martin sa kanyang pangarap, sinuportahan siya ni Direk Brillante Mendoza sa mga indie movies, hanggang sa lumaki na nang lumaki ang kanyang pangalan.

‘Bukod sa pagbibida sa sinusubaybayang Ang Probinsyano ay itinuturing pa siyang ninong ng mga action stars ngayon. Binibigyan niya ng magandang partisipasyon ang mga hindi na gaanong aktibo sa pagtatrabaho, nagkakaroon sila ng exposure sa serye, pati ang mga kontrabida.

‘Yung payatot na lalaki sa retrato, pagkatapos nang mahaba niyang pagsasakripisyo at pagtirador sa bituin, ay sikat na sikat na ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending