Quantcast

Employer nambibiktima na rin

By

NAKAUSAP ng Bantay OCW si Labor Attache Jalilo dela Torre ng Philippine Consulate sa Hong Kong. Naibalita niyang may Pinay DH na nahulog sa isang building sa mainland China.

Sa mga ganong kaso ng pagkakahulog sa gusali ng ating mga kababayan, kahit saan mang bansa, tatlong bagay ang kaagad pumapasok sa isipan.

Maaaring sadya nga itong nagpatihulog, tumalon o nagsuicide; puwedeng aksidenteng nahulog o di kaya’y may nagtulak o sadyang gumawa ng krimen sa biktima.

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang anggulo ng “human trafficking” sa kaso ng Pinay na namatay.

Galing pala sa Hong Kong ang naturang OFW. Napag-alamang mismong employer ni Lorain Asuncion ang nagpadala sa kaniya sa China upang doon manilbihan.

Nakapangangamba ang balitang ito dahil ayon sa report, dumadami ang mga HK employers na nagpapadala ng kanilang mga domestic workers sa Tsina.

May nakikita namang pattern o trend ang mga labor advocates hinggil sa pagtaas ng bilang ng mga reklamo laban sa kanilang mga employer.

Dati-rati, wala namang ganitong mga kasong nababalita laban sa employer ng ating mga kababaihan.
Ngunit iba na ngayon. Pati kasi mga employer nila nasasangkot na rin sa iba’t ibang mga kaso.

Kamakailan lamang nasangkot ang walo nating mga Pinay OFW sa pagpapautang
sa kanilang mga kapwa OFW.

Amo ng isang Pinay domestic helper ang kanilang mastermind sa tinatawag na operasyon ng loan sharks. Nagpapautang sila sa mga kapwa Pinay kapalit ng labis-labis na patubo.

Kaya naman, nababaon sa utang ang mga Pilipino roon. At sa bandang huli, kakasuhan nila, kaya lalo namang hindi na makakabayad ang mga iyon.

Sa kaso naman ni Asuncion, nagtungo na ang pamilya nito sa Hong Kong upang alamin ang tunay na pangyayari at kahit papaano’y umaasang maiuuwi rin ang hustiya kasabay ng pag-uuwi ng bangkay sa kanilang kaanak.

Gayong nais din nilang makipagkita sana sa employer ni Lorain, ngunit tumanggi itong makita ang mga kaanak ng biktima at nagbibigay lamang ng pahayag sa pamamagitan ng Konsulado ng Pilipinas sa HK.

Base sa mga lumabas na mga unang balita na tumalon ‘anya si Lorain mula sa isang gusali sa China, ngunit hindi ito ang pinaniniwalaan ng pamilya.

Naniniwala silang may ibang dahilan ang pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.

Umaasa naman ang Bantay OCW sa agarang resulta ng isinasagawang imbestigasyon alang-alang na rin sa ikapapayapa ng kalooban ng bawat isa.

Iyan ang masakit sa buhay OFW, ang dating pasahero nang umalis, ngayon nasa kahon na!

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM (M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW E-mail: bantayocwfoundation@yahoo.com/ susankbantayocw@yahoo.com

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement