Gustong ligawan si tita

By Beth Viaje August 18,2017
share this

Gustong ligawan si tita

By Beth Viaje August 18,2017
share this

MA’AM, may gusto akong babae. Ang kaso yung babaeng ito ay tita ko. Malayong tita kung tutuusin.

Tita sa pinsan ng nanay ko. Pero magkasing-edad kami at pareho ng eskwelahang pinapasukan, at magkabarkada pa. Paano ba ito?

– Ryan, Masbate

Hello, Ryan!

E, anong problema? Gusto mo sya, gusto ka ba nya?

Baka naman one-sided lang ang pagkagusto, iho.

Itanong mo muna sa nanay mo kung payag din siya sa gagawin mong move kung meron man.

Kung payag si mudra, tanungin mo rin ang partidos ng tita mo.

Pero iho, merong ibang pamilya na medyo sensitive sa ganyang mga usapin. Pero malay mo rin naman, baka open na rin sila sa ganyang mga koneksyon.

Hindi naman masamang sumubok at magtanong, pero siyempre merong mga consequences na maaaring harapin. Kailangan ready ka roon.

– Ateng Beth

Dear Ateng,

Ano bang gagawin ko dito sa kapitbahay ko na wala na yatang alam na lutuing ulam kundi curry.

Araw-araw na lang, curry ang naamoy ko. Okay naman po sana ang curry na putahe, once in a while, pero yung araw-araw, ang sakit na po sa ilong.

Opo, Indian national po si neighbor.

Arnie, Quezon City

Dear Arnie,

Abangan mo sagot ko sa next issue nitong Sey ni Ateng sa Miyerkules.

May problema ba kayo sa karelasyon, kapitbahay, kasama sa trabaho o kaeskwela, email na sa inquirerbandera2016@gmail.com o mag-text sa 09989558253.

Sa totoo lang mahirap yang question mo. Pero magtatanong-tanong ako.

– Ateng Beth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending