Quantcast

Walang GF; torn between 2 lovers

By

DEAR Ateng Beth,
Ang problema ko po ay kung paano ba ako magkaka-girlfriend. Twenty two years old na ako pero hanggang ngayon ay wala pa ring GF. Hindi naman ako pihikan sa babae.
– Dindo, Batangas City

Hello Dindo ng Batangas City!
Anong problema ng walang gerlpren? Requirements ba sa pagiging 22-years old ang magka gerlpren?

Hindi ka nga pihikan, sila naman kasi ang pihikan! Hahaha! Joke lang, Dindo.

Kesa magka-gerlpren, magsikap ka muna. Magtapos ng pag-aaral kung hindi pa tapos. Magtrabaho at magtrabaho nang mahusay. Kung pwede, tulong muna sa mga magulang.

Ayusin ang sarili. Linangin ang talino, ayusin ang attitude. Paghusayin ang mga prinsipyo sa buhay at matutong makisama sa kapwa.

Higit sa lahat, maging mabuting anak at kapatid ka muna. Mas madaling hangaan at mahalin ang lalaking may paggalang sa mga magulang at pagpapahalaga sa pamilya.

Kahit pa pihikan ang mga girls, pramis, may magkakagusto! Hahaha…

Ateng Beth

Ateng,

Mahirap po pala talagang magmahal ng dalawang babae. Pero paano ko po ba naman mapagdedesisyunan ang sitwasyon ko, talaga pong mahal ko po silang pareho?

Yung isa po ay childhood sweetheart at best friend ko na pinakasalan ko. Tapos yung pangalawa po ay college friend ko at kasama sa trabaho.

Magkaiba po sila ng ugali, pero pareho ko pong gusto ang kanilang mga ugali. Pareho nilang alam ang sitwasyon naming tatlo. Ang siste, hindi ko po maibigay ang pangangailangan ng mga babaeng mahal ko, partikular na ang oras at pangangailangang pinansiyal. Ano bang dapat kong gawin.

– Armand, Samar, Leyte

Hoy, Armand! Humusay ka!

Kung sino ang pinakasalan mo, dun ka pumirme. So pag may nakatabi kang maganda sa jeep, hahabulin mo rin, sisirain ang buhay at palalabasing ikaw pa ang nahihirapan sa lagay na yan?

Pitikin ko yang ano mo nang mapirme ka,e. Wala ka pang oras at datung niyan ha? E kung magtrabaho ka muna kaya ng limang trabaho at magpundar. Hmp!
Ateng Beth

May problema ka ba sa asawa o kasintahan, sa trabaho o pinansiyal? Aba’y email na sa inquirerbandera2016@gmail.com o kaya ay mag-text sa 09989558253, at siguradong may sey si Ateng Beth diyan.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement