Quantcast

Horoscope, August 14, 2017

By

Para sa may kaarawan ngayon: Lunes na naman! Simulan ang buong linggo sa pagsisimba. Pagbo-blow-out sa mga kaibigan at kapamilya at pagkatapos ay balik uli sa pagtutuon ng lakas at isipan sa career at pagpapaunlad ng kabuhayan. Sa ganyang paraan tuloy-tuloy na darating ang suwerte at magandang kapalaran Mapalad ang 1, 8, 14, 19, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Om.” Beige at white ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Tama ang ginagawa mo, hindi ka dapat mang-api at hindi ka rin dapat apihin. Sa pinansyal at pag-ibig, kapag may katuwiran ipaglaban mo. Sa ganyang paraan, mas lalo kang uunlad at liligaya. Mapalad ang 3, 12, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om.” Pink at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Mag-ingat sa kabigang kulot ang buhok na ma-ngungutang ng malaking halaga at pagkatapos ay hindi na magbabayad. Sa pag-ibig, wag pagtangkaang lokohin ang minamahal, dahil sa bandang huli ikaw din ang masasaktan. Mapalad ang 6, 9, 18, 36, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mori-Om-Moti.” Blue at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Upang umunlad, ang isa ay dapat maging dalawa at ang dalawa ay dapat maging apat. Sa pormulang, “multiplication”, mas mabilis kang yayayaman. Sa pag-ibig, hindi naman kailangang doblehin ang kasuyo, isa-isa lang upang lumigaya. Mapalad ang 5, 8, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Regama-Om.” Silver at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Wag malungkot, panahon na upang magsaya. Tandaang kapag masaya ka kusang darami ang pera at sa pag-ibig, tuloy ang maligaya at masarap na romansa. Mapalad ang 1, 7, 16, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Green at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sa pinansyal, hangga’t hindi ka natutong magtipid, patuloy kang kakapusin. Sa pakikipagrelasyon hangga’t hindi ka nakikipagbalikan sa isang Aries mananatiling malungkot ang love life. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om.” Yellow at maroon ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Bago simulan ang anomang proyekto, humigop muna ng mainit na kape. Sa ganyang paraan, mas magiging aktibo ang iyong isipan. Sa pag-ibig, ilibre ang kasuyo sa isang coffee shop, upang kapwa mag-init ang inyong pakiramdam. Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shari-Dosya-Om” Blue at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Kapag kumita ng malaking halaga, itago mo agad ang kalahati upang makaipon. Oohan mo lang lagi ang iyong kasuyo, dahil isa rin siya sa nagdadala sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 1, 9, 24, 34, 48 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agara-Sandhapa-Om.” Pink at silver ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sobrang love ka ng iyong kasuyo kaya madalas siyang mag-selos. Mamayang gabi, romansahin siya ng husto upang mawala ang paghihinala. Sa pinansyal, magnegosyo ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Om.” Red at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kalimutan na ang nakaraan! Magbagong simula ka ngayon upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig bagong ka-relasyon ang dapat, isang Leo ang magpapaligaya sa iyo. Mapalad ang 9, 15, 24, 27, 35 at 49. Mahiwaga mong manrta: “Om-Ketu-Mandala-Om.” Lilac at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Kaiingitan ka ng iyong mga kaibigan, hindi mo kasi sila pinapansin. Sa isang pagtitipon, imbitahan ang mga kaibigan at isipin mo kung paano sila mapagkakakitaan. Sa pag-ibig, makuntento sa kasuyong Cancer. Mapalad ang 4, 17, 24, 33, 42 at 47, Mahiwaga mong mantra: “Om-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Hanapin ang isang nilalang na isinilang sa zodiac sign na Leo, o kaya’y Libra, siya ang magpapaligaya sa iyo. Sa pinansyal, hindi pera ang sagot sa kalungkutan, kundi ang isang tapat na pakikipagrelasyon. Mapalad ang 1, 4, 10, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Govinda-Dosya-Om.” Red at black ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Isang kaibigan ang mangangilangan ng tulong. Magtago ka! Siya ang kaibigang hindi marunong magbayad ng utang. Sa pag-ibig, wag ipautang ang salapi na ibinibigay ng kasuyo, para yan sa inyong pamilya. Mapalad

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement