KathNiel ayaw magpa-double sa mga buwis-buhay na eksena sa ‘La Luna’

By Alex Brosas August 14,2017
share this

KathNiel ayaw magpa-double sa mga buwis-buhay na eksena sa ‘La Luna’

By Alex Brosas August 14,2017
share this

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

AMINADO si direk Lester Pimentel na may stunt double sina Daniel Padilla at Kathryn sa La Luna Sangre pero madalas ay hindi nila ito nagagamit dahil sila naman ang gumagawa ng kanilang stunts.

Kasama ang international stunt director na si Wang Yan Bin ay nakausap namin si direk Lester sa digital presscon ng teleserye ng KathNiel.

“Ang specific instruction that we got from the producers is ang importante ‘yung action ay nakatahi sa emosyon, nakatahi sa istorya. Hindi siya puwedeng action for the sake of action,” say ni direk Lester when asked kung paano nila ini-execute ang action scenes sa show.

But later, he admitted na merong double for both pero more for guiding them sa mga maaksyong eksena.

“We use very, very minimal double for both Kathryn and Daniel. I preferred a double for Kathryn the last time kasi tatalon siya sa sasakyan. Actually, ‘yung eksena (involved) ay si Omar (Ahron Villena) at Miyo (Kathryn). Nasa kotse sila and then kailangang um-escape ni Miyo so ipinakita muna ng double kung paano ang ginagawa. She (Kathryn) was the one who leap out of the car.

“We use double sometimes to guide her, kung paano gagawin. So, gagawin muna ng double ‘yung stunts. Pero siya (Kathryn) ‘yung lahat,” say ni Lester.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending