Liza Soberano binabayaran ng P10-M sa tv commercial; 1-M ang talent fee kada oras

By Alex Brosas August 14,2017
share this

Liza Soberano binabayaran ng P10-M sa tv commercial; 1-M ang talent fee kada oras

By Alex Brosas August 14,2017
share this

 

LIZA Soberano is easily one of the most sought after actresses and commercial model nowadays.

Bongga ang talent fee niya sa commercials – tumataginting daw na P10 million siya kada commercial. Of course it includes billboard, TV and print ad.

So, you could just imagine kung gaano kalaki ang kanyang income.

And then we read in one website where it was written na “around P3 million for a 3-hour event” ang kinita ni Liza. Take note, wala pa raw doon ang fee niya as endorser, ha. Meaning, separate pa ‘yun sa kanyang pag-attend ng event.

Imagine, kung true nga ang nasulat ay tumataginting na P1 million per hour ang rate ni Liza.

Kaloka! Talbog niya ang mga iba pang endorsers.

Still on Liza, kumalat sa social media ang isang video which showed Enrique Gil kissing her habang nasa isang tourist bus sa Japan.

Nakita namin ang short Instagram video at mukhang hinalikan ni Enrique si Liza. Since nakatalikod si Liza sa shot, ang dating ay parang hinalikan ng binata ang aktres.

Nag-react ang LizQuen fans who were not bothered but more of kilig sa kanilang nasaksihang video.

“Ano masama kung nakita mo sila kissing inside the bus. No big deal normal lang iyan taking picture not good then reporting it sa social media, they can sue you exposing privacy.”

“Sweet naman nakakakilig talaga!”

“Ehh ngayon sweet ng sila. Inggit LNG yata kayo. Lizquen love you.”

“That’s right. Hindi nman masagwa, bagay nga cla eh.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending