Quantcast

Sanya pinaghirapan ang career sa GMA 7

By

ROCCO NACINO AT SANYA LOPEZ

BUKOD  sa pagiging “long hair” ni Sanya Lopez dahil sa espesyal na atensyong ibinibigay ng kanyang rumored girlfriend na si Rocco Nacino, isa rin siya ngayon sa mga inspirasyon ng ilang kabataan na nangangarap ding magkaroon ng chance sa mundo ng showbiz.

Alam naman ng lahat na hindi rin naging madali para kay Sanya ang marating kung nasaan man siya ngayon, talagang pinaghirapan niya ang estado niya ngayon sa GMA 7.

Kaya nga bilib na bilib sa kanya si Rocco pagdating sa pagiging professional sa trabaho, bukod sa taglay na kabaitan at pagiging humble ay lagi rin daw itong game na game sa mga eksena nila sa afternoon series na Haplos.

Ang isa pang masaya para kay Sanya ay ang kanyang kaibigan at dating co-star sa Encantadia na si Gabbi Garcia. Kamakailan ay nag-post pa ito sa kanyang social media account ng heartwarming message.

Ipinagmalaki kasi siya ni Gabbi at sinabing proud siya sa mga naa-achieve ng kaibigan lalo na ang hit Kapuso series nila ni Rocco sa GMA Afternoon Prime na Haplos, na talaga namang mahal na mahal ng mga manonood.

Sa pagpapatuloy naman ng kuwento ng Haplos, tutukan ang patuloy na pakikipaglaban ni Angela (Sanya) laban sa kanyang half-sister na si Lucille (Thea Tolentino) na gagawin ang lahat para mawasak ang kapatid. At siyempre, abangan din ang unli kilig na hatid nina Angela at Gerald (Rocco) ngayong malaya na nilang naipadarama sa isa’t isa ang kanilang pagmamahal.

Kasama pa rin sa Haplos sina Celia Rodriguez, Francine Prieto, Pancho Magno, Maria Isabel Lopez, Diva Montelaba at marami pang iba, sa direksyon ni Gil Tejada.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement