Lovi wala nang paki kay Rocco; ayaw na ring pag-usapan ang bagong boyfriend

By Jun Nardo August 13,2017
share this

Lovi wala nang paki kay Rocco; ayaw na ring pag-usapan ang bagong boyfriend

By Jun Nardo August 13,2017
share this

DEDMA na si Lovi Poe sa mga ganap ng ex-boyfriend niyang si Rocco Nacino. Ang negosyanteng Filipino-French na si Chris Johnson ang balitang boyfriend niya ngayon habang si Rocco, nagkaroon ng maiksing romansahan sa Kapuso actress na si Arianne Bautista.

Ayon kay Lovi nang makausap sa blogcon ng Regal movie na “Woke Up Like This”, maayos naman sila ni Rocco pero saad niya, “I have no idea with what’s going on his life. I’m happy in general with what’s going on in my life. I can’t ask for more.”

‘Yun nga lang, tiklop ang bibig ng Prime Actress pagdating sa bagong lovelife, “I just wanna keep things in private,” katwiran niya.

Bukod sa “WULT”, may isa pang pelikulang ginagawa si Lovi. Paminsan-minsan lang naman ang paglabas niya sa Mulawin vs. Ravena kaya malaya at may sapat pa siyang panahon para gumawa ng pelikula.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending