Negosyante panay ang lobby, target magkapuwesto sa Cabinet | Bandera

Negosyante panay ang lobby, target magkapuwesto sa Cabinet

Den Macaranas |August 11,2017
facebook
share this

Negosyante panay ang lobby, target magkapuwesto sa Cabinet

Den Macaranas - August 11, 2017 - 12:10 AM

PATULOY pa rin sa pagla-lobby sa Malacanang ang isang negosyante para mabigyan ng pwesto sa pamahalaan.

Sinabi ng ating Cricket na gusto ni Mr. Businessman na mabigyan siya ng pwesto bilang isang presidential adviser.

Ang kanyang padrino sa Palasyo ay isang matandang singer na naghahangad din na mabigyan ng posisyon bilang Cabinet secretary.

Pero magulang itong matandang singer dahil siya ang mas nakinabang sa nasabing friendship.

Bukod sa nabiyayaan ng pwesto para sa kanyang libreng show ay meron na itong programa sa isang himpilan ng radyo courtesy of Mr. Businessman.

Habang si Singer ay panay ang kabig sa kanilang pagkakaibigan ay nananatili namang nganga itong si Mr. Businessman.

Bagito sa pakikihalubilo sa publiko ang bida sa ating kwento na hindi katulad ng kanyang namayapang ama na mahusay ang PR.

Saka lamang natutong bumaba sa kanyang trono at mag-reach out sa iba’t ibang sektor si Sir nang mamatay ang kanilang ama na itinuturing na kingpin sa kanilang business empire.

Mula sa isang mahirap na angkan ang kanyang ama pero dahil sa pagsisikap at diskarte ay nagawa nitong maitaguyod ang maraming uri ng negosyo na kanyang pinasok.

Maswerte ang kanyang mga anak dahil well-established na ang mga negosyo nang ito ay kanilang manahin mula sa namayapang ama.

Ngayong sila na ang may hawak ng kabuhayan ay kailangan nilang kausapin ang iba’t ibang sektor para mapanatili ang tatag ng kanilang mga kumpanya.

Ito rin daw ang dahilan kaya gusto ni Mr. Businessman na makadikit sa pangulo para mas lalong lumawak ang kanilang impluwensiya sa negosyo pero ang problema hangga g ngayon ay dedma siya sa pangulo.

Ang negosyante na gustong makapwesto sa pamahalaan ay si Mr. E…as in Ewan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mapagsamantalang matandang singer naman ay si Mr. F….as in Free.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending