Kevin Poblacion naiyak sa presscon ng 'Adik', life story pang-MMK | Bandera

Kevin Poblacion naiyak sa presscon ng ‘Adik’, life story pang-MMK

Julie Bonifacio |August 11,2017
facebook
share this

Kevin Poblacion naiyak sa presscon ng ‘Adik’, life story pang-MMK

Julie Bonifacio - August 11, 2017 - 12:10 AM

ARA MINA AT KEVIN POBLACION

TINAWAG na bagong Indie Prince ang baguhang artista na si Kevin Poblacion.

Ang naturang titulo ay ibinigay kay Coco Martin nu’ng kasagsagan niya nang paggawa ng indie movies.

Si Kevin ang bida sa indie film na “Adik” directed by Direk Neal “Buboy” Tan. He was born and raised sa Canada pero taga-Iloilo ang kanyang mga magulang.

Ayon sa mommy niya na si Jean Lopez Poblacion, hango sa favorite Hollywood actor niya na si Kevin Costner ang pangalan ng kanyang anak.

Dream daw talaga nila ng mister niya na si Bernardo Poblacion na magkaroon ng anak na artista at flight attendant. ‘Di niya akalain na parehong matutupad ang kanyang mga hiling.

Certified artista na ang bunso nila na si Kevin habang ang panganay naman na si Bryan ay flight attendant sa Canadian Airline.

Gaya ng kwento ng ibang OFWs ang buhay ng parents ni Kevin sa Canada. Mulat na siya nu’ng nakikita niyang magtrabaho ang parents niya ng almost 24 hours sa Canada. Kaya madalas ay naiiwan siyang mag-isa sa bahay nila when he was a kid.

This is the reason kung bakit hindi napigilan ni Kevin ang maiyak sa presscon ng “Adik” nu’ng tanungin siya about his parents abroad na siya ring producer ng kanyang launching movie.

Feeling proud si Kevin nu’ng mapanood niya ang “Adik.” Hindi niya akalain na makakaarte siya sa pelikula at malalagay sa mga news.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending