Ate Vi kina Luis at Jessy: Siguradong sasabihin nila sa akin pag ready na silang magka-baby! | Bandera

Ate Vi kina Luis at Jessy: Siguradong sasabihin nila sa akin pag ready na silang magka-baby!

Julie Bonifacio |August 11,2017
facebook
share this

Ate Vi kina Luis at Jessy: Siguradong sasabihin nila sa akin pag ready na silang magka-baby!

Julie Bonifacio - August 11, 2017 - 12:05 AM

VILMA SANTOS AT LUIS MANZANO

INCOMPARABLE ang suportang ibinibigay sa Star For All Season at Lipa Rep. Vilma Santos ng kanyang ever loyal Vilmanians especially ang VSSI (Vilma Santos Solid International) headed by their president Jojo Lim.

Imagine, sa ilang dekada ng career ni Cong. Vi sa showbiz, at pati na sa politika, very active ang VSSI sa pag-organize ng iba’t ibang activities bilang suporta’t pamamahal sa kanilang idolo.

Last Sunday, isa kami sa naimbitahan para saksihan ang kanilang 35th anniversary na ginanap sa Tramway, Timog Avenue, Q.C..Dito nasaksihan namin ang pagkakaisa ng mga officers and members ng grupo.

Napaka-organize nila and generous pa. E, kasi nga most of them are professionals at nakakaangat na sa buhay. May professor, teacher and even kapitan sa barko, huh! Kaya naman ang thanksgiving and reunion dinner nila ay hindi na kinuha sa pondo ng samahan kundi sponsored by Capt. Joey Cruz and Ronnie Gan.

Hindi man nakarating si Cong. Vi sa event dahil may sarili rin siyang pa-dinner for her relatives at sa magkasintahang Luis Manzano and Jessy Mendiola. Nami-miss na raw kasi ni Cong. Vi sina Luis at Jessy.

But just the same, nakausap pa rin naman ng Vilmanians si Cong. Vi sa telepono at doon ay binati niya ang VSSI sa kanilang selebrasyon. Mensahe niya kay Jojo at sa VSSI, “Jo, ah, I want to congratulate you and love you. Keep up the good work. Palagay ko being the leader nararamdaman mo rin ‘yung malasakit at pagmamahal ko sa mga Vilmanians.

“Sobra-sobrang sakripisyo ninyo, suporta ninyo, pagmamahal ninyo. At ‘yun din ang tinatayaan ko kasi ramdam na ramdam ko ‘yung  pagmamahal ninyo.

“I congratulate you at sa lahat ng bumubo ng VSSI pati ‘yung mga nasa abroad pakisabi rin sa kanila na maraming-maraming salamat sa pagmamahal. Hindi ‘to message, it is coming from my heart.

“Very active pa rin ang career ko dahil utang na loob ko rin sa inyo. Kaya hindi talaga kayo tumitigil sa suporta’t pagmamahal. And also, sa mga kaibigan natin sa press.”

Hindi naman napigilan ng Vilmanian na si Zen na sabihin kay Cong. Vi na sana raw ay makita na niya ang kanyang idolo na may karga-kargang apo. “Hindi ako ang magdedesisyon niyan,” sabay tawa ni Cong. Vi.

Say naman ni Jojo kay Cong. Vi, sabihin niya kay Luis sa dinner nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ayokong ako ang nagsasabi. Ang gusto ko siya, sila. Ayokong ako. Kapag sigurado na sila, sigurado ako, magsasabi ‘yun kapag ka ready na sila,” tugon ni Cong. Vi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending