McCoy de Leon nakakuha ng pogi points sa mommy ni Elisse Joson | Bandera

McCoy de Leon nakakuha ng pogi points sa mommy ni Elisse Joson

Ervin Santiago |August 10,2017
facebook
share this

McCoy de Leon nakakuha ng pogi points sa mommy ni Elisse Joson

Ervin Santiago - August 10, 2017 - 12:01 AM

PLUS pogi points para kay Mccoy de Leon ang ginawa niyang pagpapaalam sa mga magulang ni Elisse Joson sa plano niyang panliligaw sa dalaga.

“Sa akin sobrang natutuwa ako dahil ginawa niya yun at hindi nalang basta-basta nag-go. Kumbaga yun nga po may pahintulot talaga ng magulang kaya for me talagang napa bilib ako sa ginawa niya,” pahayag ni Elisse sa isang panayam.

Siyempre, bumilib din ang mommy ni Elisse sa pagiging gentleman at honest ni Mccoy, “Ang mom ko po palagi po siya nagpapayo sa akin na, ‘O kayo i-enjoy niyo lang muna ‘yung ngayon kung anong meron kayo. Dahan-dahan.’ Yun po ang lagi niyang paalala sa amin. Kami naman po ni McCoy tina-take namin yun as good advice po.”

Kagagaling lang ng magka-loveteam sa Turkey kung saan ginanap ang kanilang pictorial para sa isang fashion magazine. Pinakilig ng dalawa ang kanilang mga fans sa mga sweet photos na ipinost nila sa Instagram na kuha sa nasabing bansa.

“Sobrang unforgettable po ‘yun kasi first time po namin magkasama na out of the country na work pero at the same time sobrang enjoy po ng experience namin sa Turkey. Nagkaroon kami ng time off from work, kasi dito sa Pilipinas everyday may trabaho and hindi po kami nakakapagkita. Doon po parang naisingit na po nag pahinga at nakapag-bonding.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending