Aktres todo-dikit sa mga PBA player na may posisyon sa gobyerno | Bandera

Aktres todo-dikit sa mga PBA player na may posisyon sa gobyerno

Ambet Nabus |August 09,2017
facebook
share this

Aktres todo-dikit sa mga PBA player na may posisyon sa gobyerno

Ambet Nabus - August 09, 2017 - 12:15 AM

HOW true kaya ang tsismis na may isang hindi na masyadong aktibong aktres na ngayo’y todo-dikit sa ilang PBA players na nabigyan ng posisyon sa gobyerno?

Ayon sa aming kachika, ang dating kilalang aktres na super ganda pa rin ay biglang nagparamdam sa mga konek niya sa sports world para raw sa mga ventures nito.

Talagang personal daw nitong tinatawagan at kapag may time ay pinupuntahan pa para makipag-dinner o makipag-merienda sa mga tinutukoy naming dating PBA players to re-establish her friendly connection with them.

May mga business ventures kasi si aktres na madalas ay nasa “abroad” ang kasosyo at mas mapapagaan nga naman ang lahat kung malakas ang kunek niya sa mga ahensyang may kinalaman dito.

Sa totoo lang, well connected naman si magandang aktres dahil puro high profile ang mga kaibigan niya, idagdag pa ang mga kilalang personalidad na natsitsismis sa kanya. Pero mas feel nga niyang mapalawak pa ang kanyang kuneksyon in and out ng bansa. Hmmmm, baka naman makarating ‘yan kay Pangulong Rodrigo Duterte, ha! Ha-hahahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending