OFWs sa Canada, pagsisilbihan ng SSS | Bandera

OFWs sa Canada, pagsisilbihan ng SSS

Liza Soriano |August 09,2017
facebook
share this

OFWs sa Canada, pagsisilbihan ng SSS

Liza Soriano - August 09, 2017 - 12:10 AM

MAAARI nang pagsilbihan ng Social Security System (SSS) ang mahigit sa 250,000 overseas Filipino workers (OFWs) na naninirahan sa kanlurang bahagi ng Canada.

Ito ay ipapatupad kasunod na rin sa pagbubukas ng extension office nito na nasa opisina ng Philippine Consulate General (PCG) sa Calgary.

Maaaring mag-inquire, magsumite ng mga aplikasyon at mag-avail ng mga serbisyo ng SSS sa Calgary extension office na binuksan noong Hunyo kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Ang bagong bukas na extension office, na pangalawa na sa Canada, ay magsisilbi sa halos 270,000 Pilipino na nakatira sa Alberta, British Columbia at iba pang probinsya sa kanlurang bahagi ng Canada.

Mas marami  pang Pilipino ang mapagseserbisyuhan upang masiguro ang kanilang tuloy-tuloy na proteksyon sa ilalim ng ating mga programa sa SSS.

Tinatayang aabot sa mahigit 660,000 ang mga Pilpino na nasa Canada ngayon. Halos 40 porsyento rito ay matutulungan ng bagong bukas na opisina sa Calgary.

Ang natitirang 60 porsyento ng Pilipino naman na naninirahan sa silangang bahagi ng Canada ay patuloy na magpalilingkuran ng SSS Toronto foreign representative office.

Pinirmahan din ng SSS at PCG ang isang kasunduan kung saan nakapaloob na maaaring mag-opisina at tumanggap ng mga miyembo sa loob ng nasasakupan ng opisina ng PCG Calagary.

Nagsimula ang operasyon ng SSS Calgary office noong nakaraang buwan,  na sa simula ay isang extension office lamang sa ilalim ng pamunuan ng representative office sa SSS Toronto. Sa kasalukuyan, mayroon nang 23 SSS foreign office sa mga tampok na bansa, kung saan ang mga opisina ay nasa loob ng Embassy/Consulate General/Overseas Labor.

Ang mga serbisyong inihahandog ng SSS ay para sa mga mga migrant workers, mga OFWs, kasama na ang mga Pinoy na Canadian citizens na, maging mayroong dual-citizenship.

SSS President and Chief Executive  Emmanuel Dooc

SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS Building, East Avenue,
Diliman, Quezon City

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?   Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa  [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ  990AM sa  Programang Let’s Talk;  Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7  hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng  Bayan tuwing  Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending