Nangangarap makaahon sa hirap

By Joseph Greenfield August 08,2017
share this

Nangangarap makaahon sa hirap

By Joseph Greenfield August 08,2017
share this

Sulat mula kay Dinah  ng Barra, Opol,  Misamis Oriental
Dear Sir Greenfield,
Ako po ay panganay sa walong magkakapatid. Nagkahiwalay po ang nanay at tatay namin. kaya kung saan-saan kami nakitira. Ako po ay napunta sa nanay ko, pero may iba siyang kinakasama na matanda na may sakit po at siya po ang nag-aalaga. Kaya ako ay hindi na din nakapag-aral at namasukan na lang ako bilang katulong. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan? Sa ngayon po ay balak kong mag-trabaho sa ibang bansa dahil yong dating kasamahan kong katulong din sa bahay na ito ay nasa abroad na at siya ang nangako sa akin na tutulungan nya akong maka-alis. Kung makapag-aabroad ako kailan kaya at magiging maayos kaya ang buhay ko doon? Gusto ko pong mag-abroad dahil pangarap kong maiahon sa kahirapan ang aming pamilya at mapagsamasama ko kaming magkakapatid sa iisang bubong. December 4, 1992 ang birthday ko.
Umaasa,
Dinah ng Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, walang pasubali at walang dud, makapag-aabroad ka at ito rin ang magiging simula upang maiahon mo sa kahirapan ang inyong pamilya.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Queen of Diamonds at Ten of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang babae, tiyak ang magaganap hindi matatapos ang taong ito ng 2017 sa buwan ng Oktubre may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong karanasan.
Itutuloy…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending