Quantcast

Horoscope, August 08, 2017

By

Para sa may kaarawan ngayon: Wag magmayabang. Kung patuloy kang magpapakumbaba, tuloy-tuloy ding darating ang magandang kapalaran. Sa pinansyal, kusang dadami ang mga pagkakataon na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, matatapos ang gabi sa isang masarap na romansa. Mapalad ang 1, 7, 28, 35, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dimidium-Om.” Orange at violet ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Hindi dapat maghintay ng kapalit sa mga naitulong sa kapwa. Wag kang tuos ng tuos sa mga kabutihang nagawa. Sa pag-ibig, iwasang sumbatan ang kasuyo upang hindi siya magtampo. Mapalad ang 6, 18, 23, 27, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Black at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Wag umasa sa pangakong salapi na hindi mo pa hawak! Sa pag-ibig, kung wala na talagang masandalan, ang kasuyong Capricorn pa rin ang maaasahan! Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 29 at 34. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Tetra.” Lilac at white ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Sa bawat pag-subok may magandang kapalaran kasunod. Sa pag-ibig ay ganon din, sa bawat kasawian, may kaligayang naghihintay. Sa pinansyal, kahit na mabilis maubos ang pera wag mag-alala, may mas malaking halagang darating. Mapalad ang 3, 9, 21, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Neh-Om”. Yellow at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Maghahatid ng mgandang karanasan ang paparating na buwan ng Setyemrbe. Dagdag na salapi, karangalan at masarap na romansa ang idudulot nito sa iyong kapalaran. Mapalad ang 6, 18, 21, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Suryaye-Maneh-Om.” Blue at silver ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Malaki ang maitutulong ng isang Aries sa kasalukuyang problema. Bakit hindi mo siya lambingin at pagkatapos ay utangan. Hindi ka nya matatangihan! Mapalad 1, 9, 19, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Me-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Mag-concentrate sa ginagawa, malapit ka ng yumaman. Wag pansinin ang discouragement na ginagawa ng kasuyong sobrang negatibo. Ituloy mo lang ang iyong mga binabalak at hindi mo na siya dapat pang kunsultahin. Mapalad ang 1, 7, 10, 29, 31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Nil Desperandum”. White at gray ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Kalimutan ang mga pangit na karanasan at kalimutan na rin ang mga pangit na nilalang. Pagandahin ang sarili at ang paligid upang mahigop ang magandang kapalaran. Sa pag-ibig, umiwas sa mga pangit na kaibigan upang gumanda ang love life. Mapalad ang 1, 6, 13, 25, 34, 40. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Om.” Lilac at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Panahon na upang mag madali, sunggaban agad ang inaalok na pagkakakitaan ng isang Taurus. Sa pag-ibig, minsan lang mag-init ang kasuyo, romansahain mo agad upang makaraos. Mapalad ang 4, 13, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “It’s now or never!” Green at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Anomang pagsubok ang dumating hindi dapat sumuko, darating ang panahong uunlad din ang inyong kabuhayan. Sa pag-ibig, ipreserba ang kasalukuyang relasyon upang makabuo ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om-Nameh.” White at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Ang pagtitipid at pag-iipon ang pinaka-mabisang paraan upang yumaman. Sa pag-ibig, wag patangay sa luho ng minamahal, turuan mo siyang magsinop ng kabuhayan upang mas mabilis kayong umunlad. Mapalad ang 3, 15, 19, 28, 37 art 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitri-Om.” Lilac at red ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Upang hindi mabigo, hindi puso ang dapat pairalin kundi isip. Pag-isipan munang mabuti ang susuunging transaksyon upang hindi malugi. Sa pag-ibig, hindi dapat bumigay sa kasuyo, kailangang matututo kang tumanggi. Mapalad ang 7, 18, 27, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Yellow at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Gawing simple ang buhay! Tigilan na ang pag-iisip kung paano yayaman. Kusang darating yan! Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang lugar na tahimik at malapit sa nature, doon kayo maglambingan. Mapalad ang 5, 14, 23, 36, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Om.” Green at silver ang buenas.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement