Maymay handa na bang ma-ilove kay Edward? | Bandera

Maymay handa na bang ma-ilove kay Edward?

Ervin Santiago |August 08,2017
facebook
share this

Maymay handa na bang ma-ilove kay Edward?

Ervin Santiago - August 08, 2017 - 12:01 AM

ONE year na pala ang nakalipas mula nang magkakilala sina Maymay Entrata at Edward Barber sa loob ng PBB house. Dito rin nabuo ang sikat na sikat na ngayong MayWard loveteam.

Sumabay sa celebration ng dalawa ang pagkakapanalo ng kanta nilang “Baliw” bilang Best Collaboration sa katatapos lang na MOR Pinoy Music Awards mula sa self-titled debut album ni Maymay.

Sa kanyang Instagram account, idinaan ni Maymay ang kanyang pasasalamat sa lahat ng kanyang tagasuporta na patuloy na nagmamahal sa kanila ni Edward. Nag-post siya ng kanyang litrato hawak ang kanyang MOR trophy.

“Alam kong lilipas din ang kasiyahan na meron kami ngayon pero habang buhay naming dala dala ang blessing na ito kasama kayo. Kaya maraming maraming salamat po at Happy 1st Anniversary po sa atin Team Maymay at MayWard Family!” ang caption niya sa kanyang IG photo.

Sa IG account naman ni Edward, nag-thank you rin siya sa mga fans nila ni Maymay na patuloy na nagtitiwala sa kanila mula pa noong pumasok sila sa PBB, “It’s been one year since we entered the house.

Time flies. Can’t express how thankful I am for all the blessings that we’ve received in the last year. Thank you God and thank you to all who made this all possible.”

Samantala, pinaligaya naman ng MayWard ang kanilang mga Pinoy supporters sa Singapore kung saan sila nag-show nitong nakaraang weekend. Ilang photos ang kumalat sa social media na kuha sa airport at sa mismong concert ng dalawa sa Singapore. Napakainit ng pagtanggap ng mga tagaroon sa magka-loveteam lalo na sa mismong concert nila.

Sa isang bahagi ng show (base sa video na naipost sa YouTube), nagkaroon pa ng question and answer portion on stage at isa nga sa mga naitanong kay Maymay ay kung handa na siyang ma-in love kay Edward. Ang tugon ng dalaga, “God’s will, kung ibibigay Niya ang lahat-lahat, perfect timing and everything. Kaya the love is perfect, life is perfect, and everybody is perfect!”

Dito nagsigawan at nagpalakpakan na nang walang patumangga ang kanilang mga tagahanga na umaasang magiging totohanan na rin ang relasyon ng dalawa.

Balitang mas lalo pang naging wild ang audience nang kantahin na nina Maymay at Edward ang kanilang signature song na “Baliw” with matching holding hands pa, titigan at yakapan. Bumaba rin sila sa stage para mapagbigayan ang kanilang fans na makapag-selfie sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending