Sharon sa Popsters: Itaas ang idolo n'yo pero wag manghila pababa ng idol ng iba! | Bandera

Sharon sa Popsters: Itaas ang idolo n’yo pero wag manghila pababa ng idol ng iba!

Alex Brosas |August 08,2017
facebook
share this

Sharon sa Popsters: Itaas ang idolo n’yo pero wag manghila pababa ng idol ng iba!

Alex Brosas - August 08, 2017 - 12:10 AM

Sharon Cuneta at Sarah Geronimo

SHARON Cuneta denied with VEHEMENCE that she snubbed Sarah Geronimo during the grand finals of The Voice Teens.

“Can you please not believe the rumors na I snubbed everybody after Team Sarah and Jona won on The Voice Teens? Ang kino-comfort ko noon ay si Jeremy. I don’t even remember if I hugged Lala too. Katabi ko si Lala of Bamboo. I don’t even remember kung si Bamboo nakausap ko pa,” say niya sa kanyang FB post.

“When I looked gumitna na si Jona kakanta na ulit so ayoko naman ‘pumapel,’ tapos nakita ko halos in one line pinapababa na kami ng stage sa side, nauna sila Lea then may mga nag-interview na yata sa kanila kasi to my right dumami na ang tao at nakatalikod na si Lea. Si Sarah hindi ko na nakita baka in-interview na rin. In short I didn’t have the chance,” paliwanag niya.

“Sa buong career ko may nakita ba kayong asal ko na ganyan kababaw at kabastos? Lumalaban lang ako pag kailangan, pero bihirang-bihira yon over almost 40 years. Bakit pinalalaki ito o inumpisahan man lang?

“Si Sarah parang nakababatang kapatid ko. Pinagtanggol ko noon sa intriga when kahit sa sarili ko never ko ginawa yon dahil naniniwala akong isa siya sa dapat lang respetuhin at sumikat dahil matino siyang bata, magandang example sa kabataan ngayon bukod sa napakagaling. Bakit ko gagawin yun?” dagdag pa niya.

“The way you fans act and talk reflect on your idol. Napakabilis niyo naman makalimot ng mga ipinakita kong kabutihan kay Sarah over the years. Itaas ninyo ang iniidolo ninyo. Huwag kayo manghila pababa ng idolo ng iba,” pahabol pa ni Sharon.

Nag-react naman ang ilang fans ni Sarah as one said, “Una sa lahat paano kayo nakasiguro na mga Popsters ang nambabash sa inyo Ms. Sharon?

“Bago pa kayo mapunta sa The Voice marami na kayong bashers at alam nyo yan. Ang unfair nyo mag-accuse without any proof. OA po kayo magreact.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending