Aljur sunud-sunod ang swerte; hawak na ang 'alas' para mapaamo uli si Robin | Bandera

Aljur sunud-sunod ang swerte; hawak na ang ‘alas’ para mapaamo uli si Robin

Cristy Fermin |August 08,2017
facebook
share this

Aljur sunud-sunod ang swerte; hawak na ang ‘alas’ para mapaamo uli si Robin

Cristy Fermin - August 08, 2017 - 12:10 AM

ROBIN PADILLA AT ALJUR ABRENICA

MAGIGING napakadali na para kay Aljur Abrenica ang pagkuha sa kalooban ng kanyang biyenang-hilaw na si Robin Padilla. Nandiyan na ang munting anghel nila ni Kylie, napakagandang passes ng bata para matanggap na siya ng ama ng kanyang karelasyon, walang paltos ‘yun.

Sabi nga, gaano man kagalit ang magulang sa kanyang anak, kapag apo na ang nakita nito ay parang napapalis ang lahat ng kanyang sama ng loob.

Sa kaso ni Robin ay hindi naman si Kylie ang kanyang problema, suportado ng action star ang kanyang mga anak, katwiran ni Robin ay walang ibang makapagmamahal sa isang anak kundi ang kanyang magulang.

Kapag puwede nang idalaw ang bata ay siguradong magpapalambot ito sa kalooban ni Binoe. Kapado naman ni Kylie ang temperamento ng kanyang ama, konting lambing at himas lang ay okay na ito, hindi na sila mahihirapan ni Aljur.

Positibo ang mga nangyayari ngayon kay Aljur. Naayos na ang problema ng kanyang pamilya, nakalipat na siya sa ABS-CBN, kaya ang relasyon na lang nila ni Robin ang hindi pa nabibigyan ng pagkakataong maiayos na rin.

Si Robin Padilla pa? Kung kinakaya nga nitong mahalin ang ibang tao ay ang mahal pa kaya ng kanyang anak ang makakaya nitong tikisin?

Apo lang ang sagot sa problema. ‘Yun lang at makukumpleto na ang kaligayahan nina Aljur at Kylie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending