Blackwater Elite nakuha ang unang panalo | Bandera

Blackwater Elite nakuha ang unang panalo

Melvin Sarangay , |August 06,2017
facebook
share this

Blackwater Elite nakuha ang unang panalo

Melvin Sarangay - , August 06, 2017 - 10:05 PM

Mga Laro sa Agosto 13
(Mall of Asia Arena)
4:30 p.m. KIA Picanto vs Rain or Shine
6:45 p.m. NLEX vs Meralco

NAKUBRA ng Blackwater Elite ang unang panalo ngayong kumperensiya matapos nitong daigin ang Phoenix Fuel Masters, 92-86, sa kanilang 2017 PBA Governors’ Cup elimination round game Linggo sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Bumida para sa Elite ang balik-import na si Henry Walker na kumana ng 32 puntos, 15 rebounds at 5 assists habang nakatuwang nito si Mike Digregorio na gumawa ng career-high 28 puntos.

Nagsanib puwersa ang dalawa sa 24 ng 26 puntos ng kanilang koponan sa huling yugto kung saan kinamada ni Walker ang huling walong puntos ng Elite sa huling 2:24 ng laro.

Nabantayan din ng husto ng Blackwater ang matinding import ng Phoenix na si Eugene Phelps, na umiskor lamang ng 13 puntos mula sa 5-of-13 field goal shooting, sa 40 minutong paglalaro.

Nag-ambag din si RJ Jazul ng 13 puntos na sinamahan pa niya ng pitong rebounds at tatlong steals para sa Fuel Masters, na nahulog sa 2-3 karta.

“Finally, we’re able to get the win. Special thanks to our new import Henry Walker,” sabi ni Blackwater head coach Leo Isaac, na ang koponan ay umangat sa 1-3 record.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending