Horoscope, August 07, 2017

By Madam Sophia August 07,2017
share this

Horoscope, August 07, 2017

By Madam Sophia August 07,2017
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Maraming salaping darating. Ipunin ang mga natatanggap na regalo at pera. Sa pag-ibig, kung sino ang magbigay ng regalo na kulay “yellow at green” siya ang tunay na nagmamahal sa iyo. Mapalad ang 4, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis-Vivit-Que-Benit.” Bukod sa yellow at green, ang red at pink ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Panahon na upang dagdagan ang puhunan upang lalong lumago ang kinikita. Sa pag-ibig, sa malayong pook may lihim na romansang naghihintay. Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Mitra-Om.” Maroon at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Mabuting tumulong sa iba pero wag namang labis. Yong pera sa negosyo, hindi dapat maging salapi para sa charity. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipag-relasyon sa isang Virgo. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 48 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vincit-Quisoda-Om.” Blue at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Mahirap mawalay sa pamilya, subalit kailangang tiisin upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, kung paanong lagi mo siyang naalala, ganon din naman siya sa iyo. Sa muli nyong pagkikita may napakasarap na romansa. Mapalad ang 3, 6, 17, 24, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.” Pink at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Wag kokontra, igalang ang naging desisyon ng mga kasama. Sa pinansyal oohan mo lang ng oohan ang kasuyo upang umunlad ang inyong kabuhayan. Mapalad ang 8, 14, 23, 26, 35 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jenu-Manu-Jata-Om.” Green at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Pagkakataon mo na upang sumikat. Sumali at makiisa sa mga gawaing panlipunan. Sa pag-ibig, bukod sa isang Aries ka-compatible mo rin ang isang Sagittarius. Mapalad ang 5, 9, 28, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Mitra-Om.” Gold at green ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Malapit na ang iyong karaawan, dobleng pagkilos ang dapat na ipatupad. Sapagkat sa panahong ito, isa-isa mo ng matutupad ang iyong mga pangarap. Sa pag-ibig, isang isinilang sa buwan ng Oktubre ang biglang mahuhumaling sa iyo. Mapalad ang 5, 14, 26, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Durate-Rebus-Om.” Silver at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Magkakapera ka kahit nasa bahay lang, kung lagi magpapaganda at laging amoy bagong paligo. Sa pag-ibig, kapag laging mabango, may darating na mas mainit at mas masarap na romansa. Mapalad ang 6, 18, 27, 35, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava-Om.” Pink at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Isang Aries ang makakatulong upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig panatiliin ang pagiging tapat at totoo sa kasuyong Taurus. Pula ang kulay na magpapasigla sa libidong pang-sexual. Mapalad ang 4, 16, 25, 37, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Omne-Venit.” Bukod sa red ang green ay buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Magwawagi ang katunggali kung pababayaan lang siya. Ngayon pa lang, ahead of time, kumilos ka na, upang magapi ang ka-laban. Gamitin ang lahat ng resources ng minamahal, upang magtagumpay. Mapalad ang 3, 9, 13, 28, 36, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Avidya-Aroha”. Red at yellow ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Gawin ang lahat ng makakaya upang dumami pang lalo ang iniipong pera hanggang sa yumaman ka na. Sa pag-ibig, ipalasap sa kasuyo ang pinakamasarap na romansang hindi nya pa nararanasan sa tanang buhay nya. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Blue at white ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pag-ibig muling titibok ang puso, habang nakikiumpok sa isang social gathering. Sa pinansiyal, buksan ang dating kalakal na nagbigay ng malaking kita, produktong may kaugnayan sa pagkain ang dapat. Mapalad ang 4, 16, 23, 31, 40, at 49. “Aum-Bhanah-Bhanah-Om.” Green at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Mga ilang araw pa, kusa ng mapapa sa iyo ang malaking halaga ng salapi na noon mo pa hinihintay. Dahil sa tinamong magandang kapalaran, i-blow-out ng isang tasang mani ang minamahal. Mapalad ang 7, 16, 28, 34, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Amara-Om-Ananda.” Violet at silver ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending