Posible bang patulan ng mister ni Toni si Erich? | Bandera

Posible bang patulan ng mister ni Toni si Erich?

Jobert Sucaldito |August 07,2017
facebook
share this

Posible bang patulan ng mister ni Toni si Erich?

Jobert Sucaldito - August 07, 2017 - 12:01 AM

I was surprised sa biglaang pagdalaw ni Vice-Mayor Ina Alegre sa “Showbuzz” program namin ni Papa Ahwel Paz sa DZMM last Friday.

Dinala kasi niya ang perfume na regalo niya sa akin at ng kanyang asawang si Gen. Gilbert Cruz – one of my favorites, ang Blv Bvlgari (Blu Bulgari, lokah!). Tamang-tama naman kasing papuntang Manaoag si Ina kaya dumaan na muna siya sa studio.

Tamang-tama rin naman na ang topic namin sa show ay itong rumor between Direk Paul Soriano and Erich Gonzales sa set ng pelikulang “Siargao” na pinagbibidahan ng aktres with Jericho Rosales directed by Paul.

Ipinagtatanggol ni Papa Ahwel sina Direk Paul and Erich, na imposibleng maging magdyowa ang dalawa dahil sobra raw ang pagmamahalan ng direktor kay Toni Gozaga. May nag-text kasi sa akin na parang “playing beautiful music” daw together sina Direk Paul and Erich.

“5 a.m. pa kasi ang mass sa Manaoag and three hours lang naman ang biyahe kaya kasama na sa killing time ko ang dumaan sa iyo. Ha! Ha! Ha! Matagal na kasi itong gift mo sa amin kaya binitbit ko na.

Anyway, hindi sa nakikisawsaw ako sa chika ninyo, pero you know, normal lang naman sa isang husband ang minsan malapitan ng temptations, eh.

“I am not saying na may something nga between Direk Paul and Erich, but you don’t discount the possibi-lity na meron talagang nangyayaring ganyan, hindi lang sa showbiz. Kahit saang sektor ng lipunan. Or puwedeng publicity lang iyan pero mas malamang na may pinanggagalingan.

“I am a wife too and I should know. Sa tinagal-tagal naming mag-asawa ni Gilbert, I know when he plays around. Hindi naman talagang nagloloko, yung paminsan-minsan, kapag may boys night out. Minsan uuwi ng 2 or 3 a.m. galing sa inuman with male friends and colleagues. Basta ang sa akin lang, huwag ko lang makita ng dalawang mata ko, huwag ko lang mahuli dahil ibang usapan iyon.”

She’s right, di ba? Hindi naman niya sinasabing puwedeng mangyari ito kina Direk Paul and Toni though reading between the lines, may chance. Ha! Ha! Ha! Ako naman kasi, ang take ko diyan ay men are born polygamous.

Kahit gaano pa kabait ang isang lalaki kung siya na mismo ang nilalapitan ng isang maganda at seksing babae, malamang na pumatol ito.

Hindi sila nakaka-resist normally sa ganitong mga uri ng tukso. I am not saying na tinutukso ni Erich si direk Paul, huh! Napapabalita lang na parang merong something between them. Kaya konting ingat lang at baka mapaso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending