Vhong, Lovi ‘palit-sex’ sa ‘Woke Up Like This’ ng Regal | Bandera

Vhong, Lovi ‘palit-sex’ sa ‘Woke Up Like This’ ng Regal

Ambet Nabus |August 07,2017
facebook
share this

Vhong, Lovi ‘palit-sex’ sa ‘Woke Up Like This’ ng Regal

Ambet Nabus - August 07, 2017 - 12:10 AM

NAKAKAALIW ang gimik ng Regal Films sa grand presscon ng latest offering nilang “Woke Up Like This” starring Lovi Poe and Vhong Navarro.

Nagpa-contest kasi sina Mother Lily Monteverde at Roselle Teo sa entertainment media, kailangang magbihis babae ang mga lalaking reporters at writers at magbihis lalaki naman ang mga girls. Ito kasi ang tema ng movie nina Vhong at Lovi na nagkapalit nga ng kanilang katauhan sa kuwento.

Hahahahaha! Sayang at kulang kami sa oras para karirin ang pagpapaganda at pagsusuot ng gown! Baka binigyan namin ng magandang laban ang friend-colleague nating si Rey Pumaloy na siyang nagwagi that night. Ha-hahahaha!

At bongga talaga si Mother Lily, ha! Aba’y first time namin siyang makita na nag-eenjoy nang husto sa pagsasayaw para pa rin sa promo ng “Woke Up Like This.”

To the tune of “Despacito”, humataw si Mother in her sporty outfit na pam-basketball with back-up dancers pa! “O sey n’yo Vhong at Lovi, ngayon lang ginawa ni Mother iyan ha. All in the name of love para sa inyo at para sa press!” kantiyaw namin sa mga bida ng movie na first time magsasama sa isang masaya at nakakalokang pelikula.

Tuwang-tuwa siyempre ang dalawa plus the rest of the cast dahil gaya nga ng kanilang movie ay puro pampa-good vibes lang daw ang dala nila. “Sasagutin ng pelikula ‘yung madalas nating tanong na what if one day ay magising na lang tayo na nasa ibang katauhan tayo? Basta masayang pelikula ito na may kakaibang lesson,” sabi pa ni Vhong.

Hmmmm, shall we expect a more bonggang pasabog at paandar come premiere night? Anyway, showing na ang “Woke Up Like This” sa Aug. 23.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending