Ryza, Cholo nagkainlaban dahil sa mga love scene sa 'Manananggal' | Bandera

Ryza, Cholo nagkainlaban dahil sa mga love scene sa ‘Manananggal’

Julie Bonifacio |August 06,2017
facebook
share this

Ryza, Cholo nagkainlaban dahil sa mga love scene sa ‘Manananggal’

Julie Bonifacio - August 06, 2017 - 12:05 AM

AMINADO si Ryza Cenon na nagsimula ang relasyon nila ng boyfriend niyang si Cholo Barretto sa set ng movie nilang “Ang Manananggal Sa Unit 23B.” Bagaman nilinaw niya na hindi pa sila nu’ng kunan ang kanilang love scene sa movie.

Isa kasi sa highlights ng “Ang Manananggal” ang love scene nila ni Cholo. May pagka-senswal ang eksena nila at talagang pinag-usapan noong una itong ipalabas. Kaya may mga nagdududa na dahil sa love scene nila kaya sila nainlab sa isa’t isa.

“Hindi po,” ngiti ni Ryza. “Bigla lang pong nangyari na we felt ‘yung love for each other, e. Hindi naman siya pinlano or something. As in magkaibigan nga po kami, tapos nagkaibigan.”

Napili bilang isa sa 12 kalahok sa Pista Ng Pelikulang Pilipino (PPP) ang movie ni Ryza produced by IdeaFirst Company nina Perci Intalan at Jun Lana. Magsisimulang ipalabas ang mga kasaling pelikula sa PPP sa Agosto 16 hanggang 22 sa mga sinehan nationwide.

“Sana magustuhan nila ang performance naming lahat sa movie. Ayun po, saka medyo kinakabahan po ako kasi siyempre hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Kung magugustuhan ba ng mga tao ‘yung movie namin lalo na this time mas maraming tao ang may chance na makapanood kasi nationwide na siya,” ani Ryza.

This is her most challenging film so far ayon kay Ryza, “Mahirap siya lalo na sexy ‘yung film, ‘Yun po talagang sobrang nahirapan po ako. Never ko pa po kasi siyang ginawa. So, lahat po ‘yun first time.”

Kahit napakaseksi ng role ni Ryza sa “Ang Manananggal” okey pa rin siya to do more challenging roles na magpapakita ng skin. But it still depends on the story, “Kasi hindi naman ibig sabihin na ginawa ko siya, magye-yes na lang ako sa lahat ng hubad-hubad. Ayaw ko namang ma-typecast sa mga ganoon. So, depende pa rin po kung paano ‘yung treatment,” aniya.

Feeling blessed din si Ryza dahil parehong bongga ang kanyang lovelife at career, “Sobrang thankful po ako sa Itaas sa mga blessing sa akin. Last year ‘tong ‘Manananggal.’ This year, Ika-6 Na Utos naman, yes po. Number one po kami sa hapon.”

Nine months na ang relasyon nila ni Cholo. Sa kabila nito, masyado pa raw maaga para pag-isipan nila ang tungkol sa pagpapakasal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending