Kylie ipinanganak na ang panganay na anak nila ni Aljur | Bandera

Kylie ipinanganak na ang panganay na anak nila ni Aljur

Jun Nardo |August 05,2017
facebook
share this

Kylie ipinanganak na ang panganay na anak nila ni Aljur

Jun Nardo - August 05, 2017 - 04:03 PM

NANGANAK na si Kylie Padilla nu’ng Biyernes nang gabi sa panganay nila ni Aljur Abrenina. Sa Instagram post ni Aljur, ibinahagi niya ang oras ng paglabas ng kanilang baby boy – 10:31 p.m..

Hinangaan din ni Aljur ang pagiging matapang ni Kylie, post niya sa IG, “I’m so proud of you…I love you.

#StrongWomanKyNiPad.” Balita kasing 36 hours nag-labor si Kylie na mas piniling manganak nang normal.

Sa IG naman ni Kylie, ipinost ng bagong panganak na aktres ang silhouette na picture ng mag-ama. “Its as real now as it’s ever going to be,” caption ng Kapuso actress.

Bumuhos ang pagbati kina Aljur at Kylie mula sa kanilang mga kaibigan at social media followers, kabilang na riyan sina Camille Prats, Gabbi Garcia at ilan pang Kapuso artists.

Congratulations!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending