Quantcast

Horoscope, August 05, 2017

By

Para sa may kaarawan ngayon: Masuwerteng magsuot ng dilaw, upang ang kapalaran ay lalo pang gumanda. Sa pag-ibig nakakikilig ang regalong matatanggap mula sa kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 6, 12, 24, 31, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra, “Radya-Neshaya-Om.” Bukod sa yellow ang silver ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Isang dating kakilala ang mag-aabot ng malaking halaga. Sa pag-ibig, habang papalapit ng papalapit ang ber months, may magaganap na
palihim ngunit nakakikilig na romansa. Mapalad ang 3, 15, 21, 30, 34 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Vig-Graha-Om.” Blue at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Hindi bagay sa iyo ang magsungit! Ngitian lagi ang mga kliyente at kakilala, sila ang magpapalago ng iyong kabuhayan. Sa pag-ibig, patawarin at pagpasensyahan ang kasuyong sumpungin. Mapalad ang 4, 16, 25, 22, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Mohah-Mokah-Yotah.” Green at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Magiging mapalad ang araw na ito.Dagdag na pagkakakitaan ang mabubuksan. Sa pag-ibig, mas mainit na romansa ang mararanasan mula sa kasuyong Libra. Mapalad ang 9, 15, 24, 33, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Red at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Kahit na marami ka ng pera alam mo bang laging may kulang? Sapagkat ang tunay na ligaya ay matatagpuan sa pagtulong sa kapwa. Tulungan ang mga kamag-anak at iba pang mga nangangailangan upang lalo ka pang pagpapalin ni Lord. Mapalad ang 2, 7, 8, 26, 29 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dosya-Om.” Green at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Humingi ng opinyon sa kaibigan upang hindi mamali ng desisyon at siya rin ang maaaring sa iyo ay magpapautang. Sa pag-ibig, utak-lamok at utak-talangka na naman ang kasuyo, pabayaan mo siyang magmaktol! Mapalad ang 5, 9, 21, 38, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Yarah-Om”. Orange at maroon ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Mapalad sa negosyong may kaugnayan sa computer, cell phone at iba pang modernong kasangkapan. Maghanap ng kasosyong may birth date na 5, 14, at 23. Sa pag-ibig, isang Libra ang may lihim na pagtingin sa iyo. Mapalad ang 5, 17, 26, 35 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Anilam-Bastam-Idam-Om.” White at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Upang yumaman, magpataba ka! Ang mga taong may bilugang pagmumkha at matataba ang pangangatawan ang mas madaling yumayaman. Sa pag-ibig, habang nagkakalaman at bumibilog ang katawan, ang iyong kasuyo ay lalong mahuhumaling sa iyong kagandahan. Mapalad ang 3, 7, 18, 27, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Meh-Om.” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Lumayo muna sa sinilangang bayan. Sa ibang lugar may magandang kapalarang naghihintay. Sa pag-ibig, sa abroad matatagpuan ang true love. Mapalad ang 3, 4, 9, 22, 28, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Santura-Om.” Pink at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Hindi masamang humingi ng tulong, ang mas masama ay lagi ka na lang bigo dahil sa iyong pride. Hanapin ang isang Aries at sa kanya ka humingi ng favor upang matuldukan na ang iyong mga problema. Mapalad ang 2, 7, 15, 21, 32 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti.” Orange at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Kapag nagawa mong pasunurin ang mga taong nakapaligid sa iyo, malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, piliting underin ang kasuyo, upang hindi makagawa ng kalokohan. Mapalad ang 3, 6, 12, 28, 37 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kale-Varam-Tam-Om.” Pink at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pag-ibig, limutin na ang nakaraan. Isang Virgo ang sa iyo ay naghihitay. Sa pinansyal, tipid-tipid muna hanggat wala pang hawak na malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 2, 7, 10, 27, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ravaye-Neh-Om”. Blue at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Kailangang malaglag sa lupa ang bulok na prutas, upang tumubo ang bagong punla. Ganon din ang buhay, kailangang mabigo upang bukas makalawa, malaking tagumpay naman ang kasunod. Manatiling matatag at umaaasa. Mapalad ang 5, 13, 23, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Per-Aspera-Ad-Astra.” White at green ang buenas.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement