Quantcast

Ang ‘sugar daddy’ na ba ang makakatuluyan? (2)

By

Sulat mula kay Rose Anne ng Sitio Dacudao, Agdao, Davao City
Problema:
1. May karelasyon ako sa ngayon na isang lalaking may asawa na at mas matanda sa akin ng mahi-git 20 taon. Gusto ko na sana siyang iwasan, kaya lang sa kasalukuyan siya ang bumubuhay sa akin, nagbibigay ng pera at allowance sa aking pag-aaral. May pangako naman siya na sa sandali raw na magkahiwalay sila ng misis nya, ako raw ang papakasalan nya at papa-kisamahan habambuhay.
2. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung mgkakatotoo kaya ang pangako niyang ito sa akin? Malaki kasi ang agwat ng aming edad, kaya tatanong ko na rin kung may possibility kaya na kami ang magkakatuluyan at magsasama habambuhay sa bandang huli? July 4, 1996 ang birthday ko at October 10, 1972 naman ang birthday ng lalaking karelasyon ko sa ngayon.
Umaasa,
Rose Anne
ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ay nagsasabing hindi mo naman ka-compatible ang lalaking karelasyon mo na isang Libra. Kaya tulad nang nasabi na, sa bandang huli maaaring magkahiwalay rin kayo, lalo na kapag natagpuan mo na ang lalaking tunay na ka-compatible mo na isinilang sa zodiac sign na Scorpio.
Numerology:
Ang birth date mong 4 ay nagsasabing ang lalaking susunod mong makaka-relasyon ay may kaya rin sa buhay pero binata na isinilang sa petsang 8, 17 o kaya’y 26.
Graphology:
Ang iyong lagda na nagsimula sa bilog pero naayos din sa gitna ang hanggang dulong bahagi ay nagsasabing kung may asawa na ang kinakamasa mo sa ngayon, hindi kayo maaaring magkatuluyan, kaya mahihiwalay ka rin sa kanya. Ngunit pag nagkahiwalay na kayo tulad ng nasabi na, isang binata ang magkakagusto sa iyo at sa bandang huli ang binatang ito na ang makaka-tuluyan mo at makakasama habambuhay.

Huling payo at paalala:
Rose Anne ayon sa
iyong kapalaran hindi kayo compatible ng lalaking kasalukuyan mong karelasyon na may asawa na, kung kaya’t sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, magkakahiwalay. Ang paghihiwalay na nabanggit ay magaganap sa taong 2019 sa edad mong 23. Sa panahong iyon, isang lalaking may initil na D.A. na binata na may maganda ring hanapbuhay o may kaya rin sa buhay ang iyong makakatagpo at sa bandang huli, tulad nang nasabi na, siya na ang mapapangasawa mo at makakasama sa pagbuo ng isang masaya at pang habambuhay na pamilya.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement