Quantcast

Ang “sugar daddy” na ba ang makakatuluyan?

By

Sulat mula kay Rose Anne ng Sitio Dacudao, Agdao, Davao City
Dear Sir Greenfield,
May karelasyon ako sa ngayon na isang lalaking may asawa na at mas matanda sa akin nang mahigit 20 taon. Gusto ko na sana siyang iwasan, kaya lang sa kasalukuyan ay siya ang bumubuhay sa akinrnagbibigay ng pera at allowance sa aking pag-aaral. May pangako naman siya na sa sandali daw na magkahiwalay sila ng misis nya, ako raw ang papakasalan niya at papakisamahan habambuhay. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung magkakatotoo kaya ang pangako niyang ito sa akin? Malaki kasi ang agwat ng aming edad, kaya itatanong ko na rin kung may possibility kaya na kami ang magkakatuluyan at magsasama habambuhay sa bandang huli? July 4, 1996 ang birthday ko at October 10, 1972 naman ang birthday ng lalaking ka-relasyon ko sa ngayon.
Umaasa,
Rose Anne ng
Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kitang-kita ang malaking bilog sa Heart Line (Illustration 1. arrow 2.) pero maganda naman ang Marriage Line (arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kahit sabihin pang sunod ang luho mo sa ngayon sa lalaking iyong karelasyon at kahit sabihin pang parang masaya ka naman sa piling niya sa bandang huli may at maaaring hindi pa rin kayo ang magkakatuluyan.
Cartomancy:
King of Spades, Ten of Diamonds at King of Clubs ang lumabas, (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kahit na magkahiwalay kayo ng lalaking karelasyon mo sa ngayon ang nakatutuwa ay muli kang magkakaroon ng panibagong karelasyon na bukod sa mayaman uli o may kaya sa buhay, siya ay binata at may posibilidad na ang binatang ito ang siya mo ng makakatuluyan at makakasama habambuhay.
Itutuloy…

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement