Professional drivers isailalim sa PRC | Bandera

Professional drivers isailalim sa PRC

Ira Panganiban |August 04,2017
facebook
share this

Professional drivers isailalim sa PRC

Ira Panganiban - August 04, 2017 - 12:10 AM

NAGKAROON na ng pagdinig sa Mababang Kapulungan ng Kongreso tungkol sa isyu ng Uber at Grab. Sa pagpupulong, inamin ng Grab at Uber na umaabot na sa 100,000 ang mga sasakyang nagseserbisyo sa mga commuters ng Kalakhang Maynila.

“Shocked” daw si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) head Martin B. Delgra III sa dami ng mga units na ito. Kailangan na raw talagang bigyan ng prankisa ang mga ito para sa accountability.

Ang tanong ko kay Delgra, yung mga public transport ba na nakadidisgrasya, mga taxi na nang-re-rape at nanghoholdap, mga jeep na perhuwisyo sa lansangan, may accountability ba ang mga ito sa LTFRB?

Ang laging sinasabi ng mga otoridad para maiwasan ang krimen sa mga taxi, isulat ninyo ang taxi name, body number/plate number at pangalan ng driver upang matukoy sila kung gagawa sila ng mali habang sakay kayo.

Pero lahat ng impormasyon na ito ay nasa mobile phone na ng isang pasahero kapag gumamit sila ng Uber o Grab. Kasali na rito ang klase ng sasakyan at pati kulay nito! So kung accountability lang ang pag-uusapan, sobrang talo na ang LTFRB sa sistema ng Uber at Grab.

Kung kaligtasan at comfort naman ang pag-uusapan, hindi tumatanggap ng lumang kotse ang Uber at Grab. At least 2005 model ang requirement. Meron ding premium cars ang Uber at Grab, mga kotseng Accord, Camry, Pajero, Montero, at minsan naka-tsamba pa ako ng BMW 5-Series. So sa safety and comfort talo ulit ang LTFRB.

Kung presyo naman ng sakay ang tutukuyin, ang taxi laging may hirit na dagdag o kontrata. Sa Grab at Uber iisa ang rata ng sakay. Kung meron mang “surge increase” ito ay dahil na rin sa dami ng demand para sa kanila. So, ulit, talo na naman ang LTFRB dito.

Ang problema kasi ng LTFRB ay pinipilit nilang ipatong ang mga “Legacy Laws,” o yung mga batas na ginawa noong unang panahon, na hindi na angkop sa kasalukuyang sitwasyon.
Pinipilit nilang ilatag sa ilalim ng “taxi fleet concept” ang “ride sharing platform” na hindi magtutugma kahit kailan.

Matagal ko nang sinasabi, ang pambansang propesyon ngayon sa Pilipinas ay “drayber.” Kaya dapat lahat ng professional drivers ay may lisensiya sa PRC at regulated ang kanilang okupasyon. Sa ganitong paraan, ang taxes, training at accountability ng mga professional drivers ay natututukan tulad ng doctor, abogado, engineer, nurse at iba pa. Tutal buhay at kaligtasan naman ng tao ang hawak nila sa kanilang pagmamaneho.
At sa sistemang ito puwede nang pumasok ang Grab at Uber na ang sangay ng PRC na nakatutok sa kanila ay nasa opisina ng LTFRB. In fact, pati na din mga driver ng bus, taxi at jeepney ay maaari na din dito.

Para sa comments and reactions sumulat po sa [email protected] o sa [email protected].

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending