Sarah pinu-push ang pelikula nila ni Daniel: Ok lang po kahit ate niya ‘ko! | Bandera

Sarah pinu-push ang pelikula nila ni Daniel: Ok lang po kahit ate niya ‘ko!

Ambet Nabus |August 04,2017
facebook
share this

Sarah pinu-push ang pelikula nila ni Daniel: Ok lang po kahit ate niya ‘ko!

Ambet Nabus - August 04, 2017 - 12:20 AM

DANIEL PADILLA AT SARAH GERONIMO

NAKAKATUWA rin talaga ang ilang mga kapwa namin Popsters.

Unlike other groups na namemersonal once na hindi mo paboran ang idolo nila, ang mga fans ni Sarah Geronimo at talagang naiiba dahil matatalino at marespeto sila.

Biggest winners nga naman sila sa mga achievement ngayon ni Sarah, what with her box-office hit movie, the Voice Teens grand winner, plus of course a very colorful lovelife.

“Magnanimous din po kami sa kanyang victories, lakas makahawa,” ang bahagi ng mensahe na natanggap namin mula sa ilang Popsters.

Well, may maidadagdag pa ba kami riyan kundi isang malaking “Hurray!” dahil tiyak namang kaabang-abang ang mga susunod na kabanata sa buhay ng ating Pop Princess.

Ang latest ngang tsika ay seryoso na ngayong naghahanap ng magandang material ang Star Cinema at Viva Films para sa pagsasamahang pelikula nina Sarah at Daniel Padilla. Sey nga ni Sarah, “Sobrang hanga ako sa batang iyan. Sana magkaroon kami ng movie together kahit ate lang niya ang role ko.”

Kahit naman si Daniel ay excited na rin sa proyektong pagsasamahan nila ni Sarah at aprubado naman daw ito sa mga tagasuporta nina DJ at Kathryn Bernardo. Malay n’yo baka isama pa si Kathryn sa nilulutong pelikula para kina Daniel at Sarah. Aba, mas bongga ‘yan!

At siyempre, inaabangan na rin ng lahat ang napabalitang pagpapakasal nina Sarah at Matteo Guidicelli.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending