Diego binasted daw ni Sofia kaya nanligaw ng iba | Bandera

Diego binasted daw ni Sofia kaya nanligaw ng iba

Reggee Bonoan |August 04,2017
facebook
share this

Diego binasted daw ni Sofia kaya nanligaw ng iba

Reggee Bonoan - August 04, 2017 - 12:05 AM

DIEGO LOYZAGA AT SOFIA ANDRES

PALAISIPAN pa rin sa amin kung ano na ang estado ng relasyon ngayon nina Diego Loyzaga at Sofia Andres na umaming mahal nila ang isa’t isa, ang huli nga ay noong launching ng seryeng Pusong Ligaw.

Nitong mga huling araw kasi ay hindi na namin nakikitang magkasama sina Sofia at Diego sa mga IG post nila kaya maging ang followers nila ay nagtatanong na kung ano na ang nangyayari sa dalawa.

Three days ago ay nag-post si Sofia sa IG account niya ng lyrics ng awiting “Out Of Love” na may caption na, “I think this is the best song of 2017. OUT OF LOVE.”

May mga follower si Sofia ang nagtanong ng, “Are you out of love po kay @diegoloyzaga?”

Hindi naman ito sinagot ni Sofia kaya napapaisip kami kung ano na talaga ang real score sa kanila ni Diego.

Sinilip din namin ang IG account ni Diego at ang huling post pa niya ng litratong magkasama sila ni Sofia sa isang mall show ay noon pang Mayo 31 na may caption na, “Di ba nila alam tayo’y nagsumpaan?”

Anyway, may kinalaman kaya ito sa nakita naming eksena kung saan may ibang babaeng kasama si Diego na nanood ng “Kita Kita” sa Robinson’s Magnolia last week? Binasted na ba ni Sofia ang binata kaya nanliligaw na ito sa iba?

O, baka naman may tampuhan lang ang dalawang kapamilya stars?

Going back to Pusong Ligaw, masayang ibinalita sa amin ng taga-production na patuloy na tumataas ang rating ng programa.

Nakapagtala ito ng 17.7% kamakailan kumpara sa katapat nitong show na nakakuha naman ng 15.5% sa nationwide rating.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending