Juday kay Alfie Lorenzo: Mami-miss ko yung talak niya sa akin, yung karinyo brutal niya! | Bandera

Juday kay Alfie Lorenzo: Mami-miss ko yung talak niya sa akin, yung karinyo brutal niya!

Ervin Santiago |August 03,2017
facebook
share this

Juday kay Alfie Lorenzo: Mami-miss ko yung talak niya sa akin, yung karinyo brutal niya!

Ervin Santiago - August 03, 2017 - 12:35 AM

NAGKAAYOS si Judy Ann Santos at ang dati niyang manager na si Alfie Lorenzo bago ito mamatay.

Balitang nagtampo ang veteran columnist at talent manager kay Juday nang magdesisyon ang aktres na magpa-manage na sa iba. Ngunit maayos naman daw ang naging paghihiwalay nila.

“Normal lang na may tampuhan. Pero I’m at peace kasi nagkaayos kami before he died. Ibinulong ko I forgive you, I’m sorry also,” pahayag ni Juday.

“Nagpaalam ako nang maayos kasi malaki ang utang na loob ko kay Tito Alfie. At iyong utang na loob na iyon, hindi iyon mapapalitan ng kahit na anong halaga,” aniya pa.

“Mami-miss ko yung mga talak niya sa akin, iyong mga pagmumura niya, karinyo brutal siya sa ‘kin!” chika pa ng Soap Opera Queen. –

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending