Ryza nagpraktis mag-'selfie sex' para sa 'Manananggal sa Unit 23B' | Bandera

Ryza nagpraktis mag-‘selfie sex’ para sa ‘Manananggal sa Unit 23B’

Ervin Santiago |August 03,2017
facebook
share this

Ryza nagpraktis mag-‘selfie sex’ para sa ‘Manananggal sa Unit 23B’

Ervin Santiago - August 03, 2017 - 12:01 AM


DIRETSONG inamin ng Kapuso actress na si Ryza Cenon na naiisipan niyang mag-suicide kapag inaatake siya ng matinding depresyon.

Sa presscon kamakalawa ng pelikula niyang “Ang Manananggal Sa Unit 23B” kasama si Martin del Rosario, ikinuwento ng dalaga kung paano niya sinasaktan ang kanyang sarili kapag hindi na niya kayang dalhin ang kanyang mga problema.

“Pumapasok kasi siya sa isip ko (magpakamatay) pag depressed ako. Kasi feeling ko, minsan ‘yun na lang ang solusyon. May times po na sinasaktan ko ang sarili ko. Like, kung ano po ang mahawakan ko, pinupukpok ko, hinahampas ko yung sarili ko. Tapos inuuntog ko ang sarili ko sa pader,” ani Ryza.

“Tapos one time, yung nasa kahon ng sapatos, yung bawal kainin (silica gel), inipon ko lahat yun tapos kinuha ko yung hot water, nilagay ko. Pero before ko inumin yun, nag-make-up muna ako, para maganda ‘ko. Totoo po yun, siguro mga teenager po ako nu’n.

“Pero ngayon kasi masaya ako so wala na ‘yun. Parang feeling ko na-overcome ko dahil masaya ako ngayon. Dahil sobrang blessed ako ngayon sa life ko, sa career, sa lovelife ko, sa lahat po. For me, feeling ko part talaga siya ng cycle ng life. Struggle kumbaga,” mahabang litanya pa ng Kapuso leading lady.

Isa raw sa mga dahilan ng depresyon niya ay ang mga negatibong isyu sa kanya noon, kabilang na ang pagkaka-link niya kay Mark Herras na boyfriend naman that time ni Jennylyn Mercado.

“Feeling ko that time, hindi ko kinaya yung mga issues. That time, yung issues about Jennylyn and Mark. Yun ang struggle ko that time, maraming bashers and all, hindi ko siya kayang i-handle,” aniya pa.

Nagpapasalamat si Ryza sa IdeaFirst Company nina Jun Lana at Perci Intalan dahil sakto raw ang pagkaka-offer sa kanya ng pelikulang “Ang Manananggal Sa Unit 23B” na idinirek ni Prime Cruz at isinulat ni Jen Chuaunsu.

Itinuturing ni Ryza na hulog ng langit ang nasabing proyekto dahil bago raw dumating ang offer na ito ay muli siyang nakaramdam ng depression, “Parang hulog ng langit sa akin ‘tong pelikulang ito. Noong time na nakausap ko kayo na mayroon akong struggle in life, pumasok po ‘Ang Manananggal.’

“Parang ito ang nag-save sa akin at inilipad po ako ni Manananggal pataas para mapansin ng mga tao. Ganu’n siya kahalaga sa akin, gift from heaven talaga,” aniya pa.

In fairness, puro papuri ang tinanggap ni Ryza at ng leading man niya sa movie na si Martin del Rosario matapos itong magkaroon ng special at celebrity screening kamakailan. Tungkol ito kay Jewel (Ryza), sa isang manananggal na naninirahan ng mag-isa sa matao at magulong lugar sa siyudad.

Magbabago ang takbo ng buhay niya nang makilala niya ang broken-hearted na si Nico (Martin). Maiipit siya sa pagmamahal niya sa binata at sa kagustuhan ng katawan niya na biktimahin ito.

Naging usap-usapan din ang “masturbation” ni Ryza na isa sa mga highlights ng movie. “Yung sa masturbation scene, kailangan kumalma ako, dapat lumabas na totoong-totoo. Hindi ko siya masyadong sineryoso, nagdyo-joke pa nga ako bago namin kunan ‘yun. Sabi ko nga kay direk Prime, sige po direk, ngayon pa lang magpa-practice na ako sa bahay.” Take note, take one lang ang “selfie sex” ni Ryza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ipalalabas na nationwide ang “Manananggal Sa Unit 23B” ngayong Agosto kaya huwag na huwag n’yo itong palalagpasin. Promise nina Ryza at Martin, pati na rin ni direk Prime, kakaibang manananggal movie ito na hinding-hindi n’yo makakalimutan habang kayo’y nabubuhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending